Samu't saring payo sa buhay

PADALA ito sa akin ng isang kaibigan na palabasa. Isinalin ko sa Filipino:

Ang tao na may isang relos, alam kung ano ang oras. Ang tao na may dalawang relos, kailanman hindi nakati­tiyak.

Huwag tumingin kung saan ka bumagsak, kundi saan ka natalisod.

Tanawin ang buhay sa windshield, huwag sa rear-view mirror.

Maari magduda ang tao sa sinasabi mo, pero mani­niwala sila sa ginagawa mo.

Pakitunguhang mabuti ang mga nakikilala mo habang papaangat sa buhay. Kakailanganin mo sila kapag pa­bagsak ka.

Huwag nang magpaliwanag. Hindi ’yun kailangan ng mga kaibigan, at hindi ’yun paniniwalaan ng mga kaaway.

Kapag nagpaplano ng paghihiganti, humukay ng dalawang libingan — isa para sa iyong sarili.

Ang panahong nilasap mong aksayahin ay hindi na­aksaya.

Katapangan ay hindi kawalan ng takot, kundi pagkilos miski natatakot.

Kung patungo sa maling direksiyon, maari ka mag-U-turn.

Sa sarili mo ang iyong paglaki, gaano man katangkad ang ama mo.

Wala pa akong nakitang hayop na naaawa sa sarili. Lalagpak-patay sa lamig ang pipit mula sa sanga na hindi raramdam ng awa sa sarili.

Ang pinakamabisang paraan hulaan ang iyong kinabu­kasan ay ang paghubog mo mismo nito.

Ulit-ulitin mo sa iyong ina na mahal mo siya, bago siya pu­ manaw.

Panatilihing malam­bot at malambing ang iyong tinig.

Ngiti — pinaka­mu­rang paraan para bagu­hin ang iyong hitsura.

Pinakamasarap na pakiramdam ng isang lolo o lola ang kapitan ng kapapanganak na munting apo ang isang daliri.

Lahat nais tumira sa tuktok ng bundok, pero ang sarap ay habang inaakyat ito.

Mas marami kang magagawa kung hindi mo tinuturing na trabaho.

Show comments