^

PSN Opinyon

Estilo't tatak BITAG sa Cyber crimes!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

KAUNA-UNAHAN sa larangan ng investigative journa-lism sa telebisyon, BITAG lamang ang tumutok sa mga kasong cyber crime.

Ito ‘yung mga natutukan nating Internet Blackmail, cyber sex, online sex chat, at web escort service.

Kabilang na rin dito ‘yung pagdodokumento at pag-pa­pakalat ng mga sex videos at malalaswang gawain gamit ang cellphone camera na tinatawag ngayong CYBER BOSO.

Ang katotohanan ay wala pang batas na tutuldok sa mga krimeng ito gamit ang internet at bagamat parang nakatali ang kamay ng BITAG dahil sa kawalan ng batas, hindi ito naging hadlang para mabigyang hus-tisya ang mga biktima.

Tatak at estilong BITAG ang ginagamit namin sa      mga kasong ganito na pinangungunahan ng pag-hunting namin sa mga suspek at kukumprontahin namin sa     harap ng aming mga camera.

Sa paraang ganito man lamang ay mabigyan ng kata­rungan at matuldukan ng mga nasa likod ng cyber crimes ang kanilang iligal na gawain.

At sa usaping ito na matagal nang estilo ng aming grupo umeentra naman ang human rights sa kanilang sinasabing “karapatan umano ng mga suspek”.

Subalit hindi ito magiging hadlang sa kung anuman ang gawin ng BITAG, bahala silang magpukol ng kung anumang isyu sa trabaho naming ito.

Mayroong krusada ang BITAG na makatulong sa mamamayan anumang paraan, anumang dahilan, sino man ang masagasaan, WALA KAMING PAKIALAM.

Iba ang aming paman­tayan, kapag kami ang nilapitan at pinagtiwalaan, gumagawa kami ng kaka­ibang paraan makatugon   at makatulong lamang.

Hangad ng BITAG na sa taong 2009, maisa- batas na ang Cyber Boso Bill na ipinapasa ni Buhay party List representative Irwin Tieng, nang sa ga­ noon tu­luyang managot ang mga nasa likod ng kasong napa­paloob sa cyber crimes.

Hangga’t wala ito, mag­papatuloy ang tatak BI-TAG, estilong BITAG at pama­tayang BITAG!  

vuukle comment

BITAG

BUHAY

CYBER

CYBER BOSO BILL

INTERNET BLACKMAIL

IRWIN TIENG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with