^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kahirapan at pagkagutom ang bunga ng over population

-

KAMAKAILAN, lumabas na naman sa survey na maraming Pilipino ang nakararanas ng gutom. Ang ganitong balita ay karaniwan na lamang kaya hindi na gaanong binibigyang pansin. Kailan nga ba nawalan ng hindi nagugutom at naghihirap sa bansa? Noon pa ay ito na ang problema at hindi naman nabi­bigyan ng lunas. Lalo pang dumadami ang nagugu­tom at naghihirap sa kasalukuyan.

Ang sobra-sobra populasyon ng mga Pilipino ang itinuturong dahilan kung bakit marami ang naghihirap at nagugutom. At kapag napag-uusapan ang popu­lasyon hindi maiiwasang ikumpara ang Pilipinas sa Thailand. Nakahahanga ang Thailand na na-manage nang buong husay ang kanilang populasyon kaya ngayon ay hindi sila gaanong nakararanas kagaya ng nangyayari sa Pilipinas na talamak ang kahirapan at mayroong isang beses na lamang kung kumakain. Nakahahanga talaga ang Thailand sapagkat nakata­kas sila sa grabeng kahirapan ng buhay dahil sa mahusay na population management.

Noong dekada ’60, magkapareho lamang ang population ng Thailand at Pilipinas. Ngayon ay katam­taman lamang ang dami ng Thais samantalang sanda­mukal ang mga Pilipino. Dapat pa bang pagtakhan kung bakit maraming nagugutom sa bansang ito?

Na-eliminate ng Thailand ang kahirapan sa loob ng dalawang dekada. Ang sekreto ng Thailand kaya nagapi nila ang kahirapan ay dahil sa mahusay na pagpaplano nila ng pamilya. Ang kanilang gobyerno ay nagtagumpay na mapanatili ang tamang popu­lasyon. Katulad ng Thailand, ang Malaysia man ay tagumpay din sa pagwasak sa kahirapan dahil sa ma­husay na pagpaplano ng pamilya.

Bigo ang Pilipinas kung ang pag-uusapan ay ang pagpaplano ng pamilya. Dahil sa kabiguang ito, lumobo nang lumobo ang populasyon sa bansa at ang resulta ay ang grabeng kahirapan. Ayon sa report, ang poverty incidence sa Pilipinas ay naka-steady sa 30 percent sa nakaraang 27 taon.

Mahusay na population management ang nara­rapat. Panahon na para papiliin ng gobyerno ang ma­mamayan kung anong family planning method   ang gagamitin — natural man o artificial. Sa ganitong paraan, mapipigilan ang pagdami ng mga Pinoy at siyempre mababawasan na ang mga kumakalam ang sikmura sa gutom.

vuukle comment

AYON

BIGO

DAHIL

DAPAT

KAHIRAPAN

NAKAHAHANGA

PILIPINAS

PILIPINO

SHY

THAILAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with