^

PSN Opinyon

Pag-ibayuhin ng PNP ang paghahanda sa terorismo

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

KUNG nakangisi sa ngayon si Philippine Natio-nal Police (PNP) chief Director Gen. Jesus Ver­zosa sa kanyang trono matapos ideklarang generally peaceful ang turn-out ng All Saint’s Day celebration, dapat lamang na papurihan din niya ang kanyang mga tapat na alipores na nagsu­mikap sumunod sa kanyang kautusan.

Ito na marahil ang magiging giya sa lahat ng kapulisan sa buong bansa na makapaglingkod sa abot-kaya nilang kasanayan sa pagbibigay ng seguridad sa sambayanan. At dahil nalalapit na naman ang Kapaskuhan at Bagong Taon, dapat lamang na pag-ibayuhin pa ng PNP ang kanilang paghahanda sa banta ng terorismo.

Huwag sanang ningas-cogon lamang ang kanilang ipinamalas dahil ang banta ng tero­ rismo ay nakaamba sa bawat saglit. At oras na kumurap ang kapulisan tiyak na sasalakay ang mga ito. Di ba mga suki?

Sa nakaraang Undas, malaki ang naging pa-pel ng Manila Police District (MPD) sa limang distrito ng kapulisan sa Metro Manila dahil naging tradisyon na ang maraming tao sa North and South Cemetery. At dahil high-tech na nga ang MPD walang nakalusot na krimen sa mga sementeryo.

Ipektibo ang Global Posessioning System (GPS) gadgets na naka-install sa mga mobile patrol car ng MPD na ipinakalat ni MPD Director Chief Supt. Roberto “Boysie” Rosales upang magpa­trul­ya sa mga sulok ng Maynila kaya napigilan ang mga magnanakaw.

Hindi nagawang magbulakbol ng mga pulis dahil nakikita sa digital monitoring sa District Tactical Operation Center (DTOC) ang mga ruta ng mobile patroller bawat Segundo, he-he-he! Kaya kayod ang mga kapulisan upang maiwasan ang lupit na parusang ipapataw ni Rosales. Dati kasi naging kaugalian na ng mga mobile patroller na magbulakbol habang naka-duty kaya nalulusutan ng mga kriminal. Subalit nang dumating si Rosales sa MPD natuto nang kumayod ang pulis nang sagad sa kanilang tour of duty.

Nagpalipad pa ng air balloon na may Close Circuit Television (CCTV) sa bukana ng mga se­menteryo upang mai-record ang lahat ng kaga­napan at upang mapadali ang pagkilala sa mga salarin. Ipinakalat ni Rosales sa lahat ng sulok ng sementeryo ang Special Weapons and Tactics (SWAT) para itapat sa mga armadong kriminal.

Sa kasamaang palad, sinibak ni Rosales si Supt. Jemar Modequillo ang hepe ng Abad San­tos Police Station matapos magpabaya sa pag-supervise sa kanyang mga tauhan sa semen­teryo, he-he-he! Ipinamalas lamang ni Rosales sa mga miyembro ng Manila’s Finest na wala siyang sini-sino. Kung ganyan lahat ang opis­yales sa PNP tiyak na tataas ang moral at imahe ng kapulisan. Di ba mga suki?

vuukle comment

ABAD SAN

ALL SAINT

BAGONG TAON

CLOSE CIRCUIT TELEVISION

DIRECTOR CHIEF SUPT

DIRECTOR GEN

DISTRICT TACTICAL OPERATION CENTER

GLOBAL POSESSIONING SYSTEM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with