^

PSN Opinyon

NAPOCOR binara ulit ng  ERC

- Al G. Pedroche -

SOBRA na ang kapritso ng National Power Corporation (NAPOCOR).  Kamakailan lang ay nalublob ito sa kontrobersya dahil sa tinatayang P10 bilyong overcharge nito sa mga electric consumers. Ngayon humihirit na naman ng panibagong P9 bilyon. Natural, kapag nagtaas ng rate ang Napocor, mapipili-tan ang distributor na Meralco na itaas ang power rate na babayaran ng mga consumers. Noon pang Hulyo 11 ay inatasan na ng ERC ang Napocor na ibalik sa taumbayan ang P10-bilyong overcharge nito sa loob ng dalawang taon. Dapat daw, nagbaba ng halaga ang Napocor dahil sa paglakas ng piso.

Salamat na lang at hindi nauto ang Energy Regulatory Commission (ERC) ng National Power Corporation (Napocor) at ang kapatid na kumpanya nito na Power Sector Assets and Liabilities Corp (PSALM) na makakubra ng karagdagang P9 bilyon mula sa bulsa ng mga electricity consumers. Salamat po  ERC Chair Rodolfo Albano.

Ayon kay Chair Albano, hindi puwedeng humingi ng karagdagang P9 bilyon ang PSALM kahit lusot na ito sa akusasyon ng pakikipagsabwatan sa Napocor upang ‘paglaruan’ ang bentahan ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM), noong 2006.

Ang WESM at PSALM ay mga bagong institusyon na nilikha ng RA 9136 o ang EPIRA of 2001, na ipinasa ng Kon­ greso para sa deregulasyon ng sektor ng enerhiya sa pani­walang deregulasyon at pagsasapribado ang susi sa pagbaba ng kuryente sa bansa. Ang PSALM ay responsable sa pag­bebenta ng mga planta ng kuryete ng Napocor at may 9 na trading teams sa WESM na siyang ‘palengke’ naman para sa mga ibinebentang kuryente ng Napocor at mga independent power producers (IPPs).

 Otsenta porsiyento ngayon ng WESM ay dominado ng Napocor/PSALM sa pi­nagsama nilang 13 tra-ding teams na dito’y ang lahat ng ibinebenta nilang kuryente ay galing sa Napocor. Noong 2006, sumambulat ang kontro­bersiya sa WESM mata­pos mabuking ang liham ni Napocor president Cyril del Callar kay PSALM president Nievez Osorio na naghihimok sa huli na ‘lutuin’ nila ang bentahan ng kuryente sa WESM upang matiyak ang mala­king kikitain ng Napocor.          

Iyan nga ang dahilan kung bakit mula P2.72/kwh, noong Hunyo 2006, biglang sumipa sa P4.85/kwh ang bentahan ng kuryente sa WESM sa loob lang ng tatlong bu­wan. Despuwes, taum­bayan na kumukonsumo ng kuryente ang naparu­sahan nang sagad-saga­ran.  Sa imbestigasyon ng ERC, hindi sangkot ang PSALM sa pakanang pan­daraya ng Napocor subalit hindi rin sila dapat bayaran ng P9 bilyon.

Nabuking ng ERC na ang naturang halaga ay mangangahulugan ng dagdag na P2/kwh na kita ng Napocor . Kaya naman nasabon nang husto si del Callar.

Ang nabuking na ma­nipulasyon ng Napocor sa WESM ay isa lang sa mga serye ng mga ka­duda-dudang pangyayari sa loob ng kumpanya sa ilalim ni del Callar kung saan makailang beses na rin itong nabisto ng ERC.

vuukle comment

CALLAR

NAPOCOR

NATIONAL POWER CORPORATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with