^

PSN Opinyon

Expired at nabubulok na karne at processed meat products, sagot sa food crisis? (1)

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

KRISIS sa pagkain, eto ang pinangangambahan ng buong mundo at kasalukuyang sitwasyon na dinaranas ng     ating bansa. Nararamdaman natin ito mula sa pagtaas ng presyo ng mga commercial rice, mga produktong pagkain tulad ng gulay, prutas, karne, de latang pagkain at karne, kasama na dito ‘yung mga processed meat products.

Makikita nitong mga nakaraang linggo ang epekto ng food crisis sa ating bansa kung saan marami sa ating     mga kababayan ang nagtitiyagang pumila at magbilad      sa init ng araw.

Ito ay upang makabili lamang ng murang bigas ng National Food Authority o NFA.

Habang ganito ang sitwasyon sa ilang lugar sa Metro Manila tuwing umaga hanggang hapon, isang underground industry naman ang natuklasan ng BITAG sa Blumentritt Market pagsapit ng hatinggabi.

Sa Sulu St., Blumentritt Manila, hindi uso ang pilahan sa tindahan ni Aling Nena. Dito, agawan at unahan ang mga mamimili sa pagbili ng mga panindang expired at halos nabubulok ng karne at processed meat products.

Kay Aling Nena mo mabibili ang mga karneng baboy, manok, baka, kalabaw at maging hotdogs, tocino, tapa at siomai sa mababang halaga lamang.

Iligal at patago ang kalakalang ito kaya’t tinawag naming underground industry ang pagbebenta ni Aling Nena ng mga sira at bulok ng produktong karne na imbes pangkain sa hayop ay ibinebenta pa pangkain ng tao.

Halos isang buwang sinurveillance, minanmanan at pinag-aralan ng BITAG at Mission X ang pa­tagong industriya na    ito at na­gawa naming matum­bok ang mga proseso  at mga players na sang­kot dito.

Nagsimula ang la-hat ng lumapit sa BI­TAG at Mission X si Jose, isang tipster at negosyante ng mga sariwang karne.

Ayon kay Jose, isang Boy Silverio umano   ang nagbabagsak kay Aling Nena ng mga expired o sira at nabu­bulok ng karne at processed meat products.

Namamakyaw daw si Boy Silverio gamit ang closed van sa mga lehitimong negosyante tulad ng mga fast food chains ng mga natira o spoiled na meat products bilang pakain daw sa mga hayop.

Subalit lingid sa ka­alaman ng kanyang mga pinagkukuhanan, iniimbak niya muna ito sa isang cold storage facility, ang Vifel 2 sa Navotas na nasa pa­ngangalaga at paman­tayan ng National Meat Inspection Service (NMIS).

Trabaho daw ng NMIS na paniguruhing walang naipapasok na expired o nabubulok ng mga karne sa loob ng Vifel 2.

Subalit dahil sa pa­kikipagkuntsabahan    ng ilang empleyado rito sa mga traders na ka­tulad ni Boy Silverio, naipapasok at naiimbak sa loob ng Vifel 2 ang mga sirang karne.

At nangyayari lahat ng ito sa gabi kung saan tulog na daw ang mga representante ng NMIS, ayon ito sa bulalas ng isang empleyada ng Vifel ng mapasok ng aming mga undercover ang loob nito…

(May karugtong)

vuukle comment

ALING NENA

BOY SILVERIO

SHY

VIFEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with