^

PSN Opinyon

Sana magkuwento si FG sa Senado

SAPOL - Jarius Bondoc -

HAYAN, inimbitahan na ni Sen. Alan Cayetano si First Gentleman (FG) Mike Arroyo sa Blue-Ribbon inquiry tungkol sa ZTE scam. Ito’y dahil sinangkot ni Joey de Venecia III si FG bilang “bully” na tinawag umano ni Ben Abalos para paatrasin siya sa national broadband network bidding.

Tila kakayanin na ni FG humarap sa matinding interogasyon sa Senado, mula sa maselang heart surgery nu’ng Abril. Nitong nakaraang dalawang linggo parang batang bakasyonista siyang nagpalundag-lundag sa pitong siyudad sa Europe at Asia. At nang bumalik nu’ng Martes, sa airport pa lang ay nais nang makipagbuno agad kay Joey.

Sana sa Senado sagutin ni FG si Joey, dahil doon siya nito idinikit sa maanomalyang kontrata. Sana marinig ng taumbayan ang sasabihin ni FG.

Nang nasa abroad si FG, inamin ng spokesman niyang si Atty. Jesus Santos sa maraming press interviews na nandoon nga ang asawa ng Presidente sa Wack Wack Golf Club sa Mandaluyong nu’ng umagang tinutukoy ni Joey. Pero nagkataon lang daw. Dinagdag pa ni Santos, at itinestigo ito nina Sec. Leandro Mendoza at Abalos sa Senado, na malu­manay ang ugali ni FG, kaya’t imposibleng surutin niya si Joey na kakikilala lang niya noon.

Sa airport pa lang pagbalik ni FG mula sa biyahe, inulot niya agad ang mga pagdepensa sa kanya. Wala sa boka­bularyo niya ang katagang “Back Off”, aniya. Natiyempo lang na nandoon siya sa Wack Wack nang umagang pinagpu­pulungan nina Joey, Mendoza at Abalos ang broadband deal. Unang beses niya nakilala roon si Joey. At pinangaralan lang daw niya ito na huwag mangontrata sa gobyerno dahil anak siya ng Speaker.

Ang sarap marinig ang paliwanag niya sa ilang mga tanong. Una, bakit siya naka-Barong Tagalog kung nagka­taon lang sa golf course? At, paano nagawa ng isang malumanay na tao na, sa loob ng tatlong minuto mula nang may bagong makilala, ay mabatid agad ang NBN deal at pangaralan ito tungkol sa Anti-Graft Law. E ‘yung Senate hearings, 33 oras na, hindi pa rin tapos ipaliwanag.

vuukle comment

ABALOS

ALAN CAYETANO

ANTI-GRAFT LAW

BACK OFF

BARONG TAGALOG

BEN ABALOS

FIRST GENTLEMAN

JESUS SANTOS

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with