^

PSN Opinyon

Hoy, hindi ‘film pirate’ si Ron delos Reyes

- Al G. Pedroche -

HOW can some organizers of a press screening for a movie launch be so mean, rude and ill-mannered to a known sportscaster and motoring television host like Ron delos Reyes whom they invited? Bagito pa kami sa radio ni Ron sa Voice of the Philippines ay magkasama na kami and we were close. Mild mannered at walang ere sa katawan despite his talent.

Nung June 27, nagdaos ng press screening para sa pelikulang Transformers sa Gateway Mall sa Araneta Center sa QC. Ang press screening ay para  hingin ang tulong ng media sa promosyon ng pelikula. Natural, kung ikaw ay kumokober para sa telebisyon, magdadala ka ng camera crew at kukunan ng film excerpts ang palabas for review. Kasama iyan sa pinakikisuyong promotion ng mga organizers. Nagkataong walang kasamang crew si Ron maliban sa dalawa niyang anak. Siya mismo ang may bitbit ng camera. Nai-column ng ating movie writer na si Emy Abuan Bautista ang insidente nang hindi naihahayag ang panig ni Ron kaya gusto kong bigyang daan ngayon. It is embarrassing for a person of Ron’s stature to be accosted impolitely while taking a brief shot of a scene and accused of film piracy. Kahit I-review pa yung kuha ni Ron, kakapiranggot na eksena lang ang kinunan at hindi ang kabuuan ng palabas para akusahang siya’y “namimirata.”

Bukod sa pagiging bantog na sportscaster na ilang beses nang kumober ng Olympics sa telebisyon, may motoring program sa Channel 13 si Ron kaya siya inan­yayahan sa press preview ng General Motors Philippines na pangunahing sponsor ng pelikula. Nagpaalam siya kay Lani de Leon, GM ad and promo manager para makapag­dala ng video camera at siya’y pinayagan. Gagamitin kasi niya ang footage sa kanyang TV show na Auto Review porke may mga ipinakikitang high tech  at futuristic na sasakyan sa pelikula. Ironically, it is odd that no press materials were handed out kaya Ron took it upon himself to gather his own for his TV show. Pero habang umaandar ang kanyang camera, sinita siya ng isang security officer.

Dinala si Ron sa security office at doon ay pinag­sabihan siya ng nakaiinsultong salita ng isang Selina Gecolea de Venecia na diumano’y daughter in law ni House Speaker Jose de Venecia. Kinumpiska pa ang kanyang camera at hangga ngayon ay hindi pa nakukuha. Ang masakit, dahil sa pagtitimpi ni Ron ay tumaas ang kanyang blood pressure at hindi umano siya pinansin nang hilingin niyang dalhin siya sa ospital o klinika.

Anong klaseng public relations mayroon ang mga taong ito at ganyan silang makipagtrato sa mga media practitioners?  Sa kabila ng pagpa­paliwanag ni Ron ay nagtengang-kawali sila at hindi nakinig sa rason. Bagay na bagay ang ipino-promote nilang pelikulang Transformer. Habang nanunuyo sila sa suporta ng media ay animo mababait silang tupa pero sa hina­lang ninana­kawan sila ng “intelectual property” (na hindi naman) , they were transformed into ruthless monsters.

Siguro, siguro lang, walang kilalang TV personalities ang mga taong ito maliban dun sa mga nasa big networks na napapanood araw-araw. Si Ron kasi ay hindi nakatali sa isang network pero hindi nanganga­hulugan na pipitsugin siya. Kilala si Ron ng lahat ng nasa sports at motoring circle in the media. Yung mga lumait kay Ron ay walang karapatang manatili sa public relations business. They are just like some brutal     and violent movie which may give a distorted sense of value especially to the young people. 

vuukle comment

ARANETA CENTER

AUTO REVIEW

EMY ABUAN BAUTISTA

RON

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with