^

PSN Opinyon

Ang laman ng huling kahon

SAPOL - Jarius Bondoc -
SA America, namimili ng bahay sa kabundukan ang mga natatakot sa end of the world dahil sa nuclear war. Nag-iimbak sila ng duct tape para i-seal ang buong cabin mula sa radioactive fallout, o kaya ng gas masks at ilang taong supply ng bottled water. Sa Russia at Tsina, may underground cities para sa pamunuan sakaling magunaw ang mundo. Sa Tagaytay City nu’ng dekada-80, may kultong namili ng crash helmet dahil kakaunin na sila ng Messiah sakay ng space ship.

Sa Norway, ibang klase ang paghahanda sa huling paghuhukom. Nagtalaga ang gobyerno ng Doomsday Vault. At iniimbak dito ang lahat ng binhi ng lahat ng halamang matatagpuan sa bawat bansa.

Simple ang pakay ng Norway. Kung sakaling magkaroon ng sakuna na sisira sa pangkalahatang buhay ng tao — nuclear war, salpok ng giant meteor, sukdulang climate change dahil sa greenhouse gases — baka sakali may mag-survive. At kakailanganin ng survivors ang mga halaman para huminga, uminom, kumain, magpastol, gumawa ng damit at bahay. Kaya dapat ay pag-ukulan sila ng mga binhi na uubra sa bagong klima, para mapalaganap muli ang sangkatauhan.

Hindi lang isang kahon ang Doomsday Vault, kundi 1,400 freezers sa buong mundo. Layunin nito mapanatili o maibalik kung sakali ang kasalukuyang biodiversity ng daigdig. Ayon sa United Nations, 75% na ang mga uri na halaman na nasira sa pollution, deforestation at natural na kalamidad. Dapat pangalagaan ang natitirang 25% na sinasandalan ngayon ng 6 bilyong tao sa Earth. Kaya 1,400 ang seed vaults, para may matira miski isa man lang kung sakaling grabe ang pagkawasak na mangyari sa hugis at buhay sa mundo.

Siguro naman, may bansa na mag-iisip ding itago ang egg at sperm cells ng bawat hayop sa lupa. Kasi, kung tutuusin, ang biodiversity ng Earth ay binubuo di lang ng halaman kundi pati ng isda sa dagat, ibon sa ere, at maraming gumagapang sa lupa. Mabubuo ang biodiversity kung isasali sila sa Doomsday Vault, Part 2.

vuukle comment

AYON

DOOMSDAY VAULT

KAYA

SA NORWAY

SA RUSSIA

SA TAGAYTAY CITY

UNITED NATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with