^

PSN Opinyon

RP numero uno sa pinaka-corrupt

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
MULI na namang bumandera ang Pilipinas bilang corrupt na bansa. Ngayon ay pinaka-una sa may pinaka-corrupt na ekonomiya sa Asya. Tinalo na ng Pilipinas ang Indonesia at Thailand noon ay pinaka-corrupt na bansa.

Walang ibang tatamaan ng sisi kundi si President Gloria Macapagal Arroyo lalo pa’t matagal na siyang pinararatangan ng katiwalian kasama ang kanyang mga kamag-anak at mga malalapit na tauhan.

Matagal nang nababalita na pangkaraniwan na sa Pilipnas ang lagayan sa gobyerno. Naging normal na sa ating bansa na hindi aandar ang papeles o anumang kailangan kahit na saang ahensiya ng gobyerno kung hindi maglalagay. Nasa kultura na ang paglalagay sa bansang ito. Dahil sa katiwalian kaya sumikat ang Bureau of Customs, Bureau of Immigration, BIR, DPWH, PNP at iba pa.

Lalong tumindi ang tungkol sa katiwalian nang kumalat na sa buong mundo na Standard Operating Procedure (SOP) na sa Pilipinas ang paghingi ng commission ng mga taga-gobyerno sa iba’t ibang transaksiyon maliit man ito o daan-daang milyong dolyar. Diumano, hindi raw makapag-nenegosyo ang mga foreign businessmen sa gobyerno kung walang gani-tong under-the-table agreement.

Kung tutuusin, hindi makararating sa ganitong kalagayan ang Pilipinas kung ang mamamayan ay hindi nagpabaya. Kinunsinti ang kawalanghiyaan ng mga opisyal. Mayroon tayong kapangyarihan at karapatan para sawatain at parusahan ang mga kurakot. Pero ang nangyari, kampante lang sa pagkakaupo ang lahat at nagsasawalang-kibo.

Mahusay lang ang iba sa pagsama sa mga rally at demonstrations na wala namang saysay ang pinatutunguhan. Ang iba naman ay kasama rin sa mga lagayan at nakikinabang sa mga corruptions. Ang mamamayan ang may kasalanan kung bakit ang Pilipinas ay nakasadlak sa putikan.

vuukle comment

ASYA

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF IMMIGRATION

PILIPINAS

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL ARROYO

STANDARD OPERATING PROCEDURE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with