^

PSN Opinyon

Bakit bumaligtad sina Tito at Tessie?

- Al G. Pedroche -
KAWAWANG Tito Sotto at Tessie Oreta. Ngayong nasa partido na sila ng administrasyon, ang Unity Ticket, inaakusahan silang "balimbing" ng mga dating kaalyado. Halos pati sariling buhay ay itinaya para kay Erap, isinuka sila ng oposisyon.

In fairness, biktima sila ng magulong intrigahan sa partido ng oposisyon na kung tawagin dati ay United Opposition (UNO). Pero dahil ito’y sabog, pinalitan na ito ng "Grand Coalition."

Duda ako kung malakas ang oposisyon. Para maging malakas, kailangan ang pagkakaisa. Pero habang papalapit ang campaign period, tumitindi ang batuhan ng akusasyong balimbing at oportunista laban sa mga kandidatong nagpapalit ng partido. Kung susuriin, iisa ang kulay at mukha nila kaya’t nakakapagtakang pinag-iinitan ni Manong Maceda sina Tito Sotto at Tessie Aquino-Oreta gayong mas malala ang sitwasyon niya kumpara sa dalawang ito.

Chairman emeritus ng Nationalist People’s Coalition (NPC) ni Danding Cojuangco si Ernesto Maceda. Tanong ng barbero kong si Mang Gustin, bakit siya putak nang putak? Di kaya, pinupuntirya niyang maging campaign manager ng Grand Coalition (Dating United Opposition) kung kaya inuupakan ang dating katropa? Pampapogi, wika nga.

Noon pa man, napabalitang niligawan ng grupo nina Boy Saycon at Peping Cojuangco si Tito para abandonahin si Erap, maging pagkatapos ng Edsa Dos. Sa kabila ng sinasabing magagandang alok, naninindigan ang host ng Eat Bulaga na huwag iwanan ang kaibigan hanggang tumakbo at matalo si Fernando Poe Jr., noong 2004 election, ito’y hindi pa rin tinantanan ng Malacañang para mapabilang sa kanilang hanay.

Matapos ang 2004 election, inaalok kay Tito ang chairmanship sa Dangerous Drugs Board (DDB), maging cabinet post sa Department of Interior and Local Government (DILG) handang ibigay ng Palasyo subalit nanatiling tapat kay Erap ang dating senador. Tingin ko, kahit nagpalit ng partido, nananatiling loyal si Tito kay Erap.

Iyan din ang situwasyon ni Tessie Oreta. Biktima ng umaatikabong intrigahan sa kampo ng oposisyon. Halos magpakamatay ang tiyahin ni Kris Aquino para ipagtanggol si Erap. Tinawag pang ‘dancing queen’ sa impeachment trial, iyon pala’y ipagpapalit lamang sa mga kandidatong nanawagan ng "Erap Resign" na wala naman naitulong kundi sirain ang reputasyon ng kaibigan.

Sino man ang lumagay sa katayuan nina Tito at Tessie, tiyak kakalas sa "Oh No!" lalo pa’t na-itsapuwera at kung sino-sinong outsider lamang ang ipinapasok sa senatorial line-up ng oposisyon gayong sa mahabang panahon, ito’y nanatiling tapat kay Erap, simula nang tumakbo noong 1998 national election, napatalsik sa puwesto noong Enero 20, 2001, nabilanggo sa Veterans, na-house arrest sa Tanay Rizal hanggang sa huling araw kung kailan binubuo ang tiket ng oposisyon, palaging bisita ang dalawang ito.

vuukle comment

BOY SAYCON

ERAP

GRAND COALITION

TESSIE ORETA

TITO

TITO SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with