^

PSN Opinyon

Guideline sa nursing exam re-take kailangan

DOKTORA NG MASA - DOKTORA NG MASA Ni Sen. Loi Ejercito Estrada -
TILA nagdulot pa ng agam-agam sa isipan ng ating mga kababayan ang "partial re-take" ng ilang nurses na inaprubahan ng Court of Appeals kamakailan, kasama na ang utos nito na pasumpain na ang malaking bulto ng mga pumasa noong Hunyo.

Ang kaguluhan at agam-agam ay nasalamin ko sa padalang e-mail ng isang reader mula sa Bicol region.

Ayon kay Babylou, nababagabag ang kanilang pamilya dahil kahit nakapasa sa nursing examination ang kanyang pamangkin na si Eric Christian Buen Austria, sinabihan umano ito ng sangay ng Professional Regulation Commission (PRC) sa Legaspi City, na kailangan ulit niyang mag-exam. Sa aking sapantaha, maaring hindi lamang si Mr. Austria ang may ganitong problema sa ngayon.

Siguro ay makabubuti para sa lahat kung magpapalabas ng kaukulang guideline si PRC chairperson Leonor Tripon Rosero sa lahat ng sangay at mga opisyal ng PRC kung ano ba ang talagang mga batayan na susundin ng PRC para sa re-take batay na rin sa naging kautusan ng CA.

Sa puntong ito kasi, nakapagsumite na rin ng kanilang report ang National Bureau of Investigation (NBI) kung saang mga lugar naganap ang eskandalo ng dayaan sa nakaraang eksaminasyon at marahil, kung sinu-sinong partikular na mga indibidwal lamang ang dapat na muling mag-eksamin.

Dapat isaisip ng PRC na hindi lang malaking eskandalo na nagdulot nang malaking kahihiyan sa bansa, bagkus, isa ring uri ng trahedya sa mga apektadong estudyante at mga pamilya nila ang nangyaring dayaan.

Sa ganitong sitwasyon, hindi nakakatulong ang padalus-dalos at walang batayang opinyon ng mga opisyal ng PRC kung dapat nga bang mag-re-take ang isang pasadong examinee.

Sa kaso ni Mr. Austria, hindi siya makagawa ng nararapat na hakbang upang makapaghanap ng trabaho dahil sa impormasyong natanggap niya mula sa PRC-Legaspi City.

* * * Ang Doktora Ng Masa ay handang magbigay ng serbisyo publiko. Maari kayong mag-e-mail sa: [email protected] o sumulat sa aking tanggapan sa Room 209, GSIS Building, Senate of the Philippines, CCP Compound, Pasay City.

vuukle comment

ANG DOKTORA NG MASA

COURT OF APPEALS

ERIC CHRISTIAN BUEN AUSTRIA

LEGASPI CITY

LEONOR TRIPON ROSERO

MR. AUSTRIA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PASAY CITY

PRC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with