^

PSN Opinyon

Joekal umiskor sa SBMA

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NAG-IIYAKAN na parang mga batang natalo sa jueteng ang mga gagong sindikato na may operasyon sa SBMA dahil nakalawit ni retired Lt. General Jose Calimlim, a.k.a. Jupiter ang kanilang shipment. P25 million lang naman ang nalugi sa mga tarantado! Bhe, buti nga.

Sinabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, oras na gumalaw ang mga gago sa SBMA tiyak yari sila. Akala kasi ng mga ogag todits ay tutulog-tulog ang grupo ni Col. Jimmy Calunsag. Paano ngayon nasilat kayo. Bhe, buti nga!

Sana sa susunod mga totoy matuto kayong magbayad ng buwis sa gobyerno para naman sumagana kahit paano ang madlang people. Iyon bang mga mahihirap ay mabigyan ng magandang kinabukasan ng pamahalaan. Saan kukuha ang gobyerno ng pitsa kung ginagago natin ang koleksyon sa Bureau of Customs?

Alam ng mga kuwago ng ORA MISMO, na kaunti lamang kayong nakikinabang sa pitsang pinaghahatian mula sa sindikato paano naman ang mga ma-e-erap wala na nga makain nilulumpo pa ng mga kamote.

Malaki ang pasasalamat at saludo ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa grupo ni Joekal dahil kung iba siguro ang nadestino diyan sa Subic malamang mabura ito sa mapa ng Philippines my Philippines at mapalit ang pangalan ng mga smugglers todits.

Mukhang tahimik ang bopol na PR ng mga sindikato dahil ba sa nahuli ang kanilang shipments ni Joekal at Col. Jimmy Calunsag.

Hoy totoy tirahin mo ulit sina Joekal para naman may pakinabang ka sa mga taong nagbibigay sa iyo ng grasya mula kay Satanas.

Mukhang ayaw muna naman kumibo. Wala pa bang mantika sa bunganga mo? Biyernes kahapon di ka ba kumita?

Mahihirapan kang makaporma kay Joekal hangga’t nandiyan sila sa Subic kaya gawin mo ang gusto mo at sirain muna lamang ang kanilang kredibilidad. Ang problema mo lang nandito ang mga kuwago ng ORA MISMO, na nakabantay sa kagaguhan mo.

‘‘Bakit ba galit na galit ang Chief Kuwago sa bopol na PR ng mga kamote diyan sa SBMA?’’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Masyado kasing garapal ang walanghiya,’’ sagot ng kuwagong nagtitinda ng siopao.

‘‘Ano ang magandang gawin?’’

‘‘Dapat na sigurong sibakin sa diyaryo ang gagong ito para magtanda,’’ naiinis na sabi ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Eh ano ngayon ang mabuti?’’

‘‘Iyan kamote ang itanong mo sa mga editor ni bopol.’’

vuukle comment

ALAM

BHE

BUREAU OF CUSTOMS

CHIEF KUWAGO

GENERAL JOSE CALIMLIM

JIMMY CALUNSAG

JOEKAL

MUKHANG

SUBIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with