^

PSN Opinyon

Parliamento dating mithing Pilipino

SAPOL - Jarius Bondoc -
ANG unang lehislatura sa Pilipinas ay anyong unicameral. Hinangad ng Malolos Constitution nu’ng Enero 1899 na bumuo ng National Assembly of Representatives, na babalangkas ng mga batas ng bagong Republika. Hindi nga lang tumagal ang lehislatura dahil sumiklab ang Philippine-American War nu’ng sumunod na buwan.

Tumagal ang giyera hanggang 1913 miski nahuli ng mga Amerikano si Presidente Emilio Aguinaldo nu’ng 1901. Habang may nagrerebelde pa, hinangad ng mga Pilipino na magkaroon ng sariling pamunuan sa ilalim ng Amerikanong governor-general. Kaya itinayo ang Philippine Assembly nu’ng Oktubre 1907. Unicameral din ang anyo nito.

Nu’ng 1917, tinatag ng Jones Law ang Senado bilang pangalawang lehislatura. Ipinilit ng Amerika sa Pilipino ang sistema nilang bicameral. Maaga pa, pakay na raw kasi ng Amerika na ihanda ang mga politikong Pilipino para sa Commonwealth na tulay tungo sa ganap na Republika. Ang Commonwealth ay magkakaroon ng Presidente. Nais ng Amerikano na isang pinuno na lang ang kausap para mas madali ang administrasyon, lalo na’t may rebelyon noon sa Mindanao. Kinailangan bumuo ng Senado bilang training ground para sa pinaka-mataas na puwesto.

Noon namang Commonwealth, nagdaos ng convention na susulat ng Konstitusyon. Muli, unicameral ang itinatag na lehislatura. Ayaw ng mga Pilipino na mabara ng iilang mayayamang senador ang mga desisyon at kaunlaran. Pero wala pang isang taon, pinabago ito ng Amerika at ipinilit muli sa Pilipinas ang bicameral.

Nagtatag si Marcos ng unicameral parliament, tawag ay Batasang Pambansa, nu’ng martial law. Pero pekeng parliamento ito na taga-oo lang sa mga batas na si Diktador Marcos mismo ang umaakda.

Nang bumagsak si Marcos nu’ng 1986, bumalangkas ng bagong Saligang Batas. Sa huling araw ng sesyon ng Constitutional Commission pinagbotohan kung presidential o unicameral parliament ang sistema. Naku, natalo ng isang boto lang ang huli.

vuukle comment

AMERIKA

AMERIKANO

ANG COMMONWEALTH

BATASANG PAMBANSA

CONSTITUTIONAL COMMISSION

DIKTADOR MARCOS

JONES LAW

MALOLOS CONSTITUTION

PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with