^

PSN Opinyon

Reproductive health

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
DAPAT bata pa lang ang lalaki at babae ay maturuan na ng mga magulang at mga guro tungkol sa sexuality at reproductive health. Sa panahong ito, obsolete na ang maging konserbatibo. Dapat na maging open at transparent ang ibabahagi sa mga murang kaisipan. Dati edad 15 at 16 kung datnan ng regla ang mga babae ngunit ngayon Grade 4 pa lang ang batang babae ay nagme-mens na. Sa mga magulang dapat na maging bukas at maganda ang pananaw nila sa sekwalidad. Kapag ang mga anak na babae na siyam o 10 taon pa lang ay nagkaroon na ng regla dapat na ipaalam sa mga anak ang mga hindi at dapat gawin sa pang-araw-araw na buhay.

Hindi na dapat mag-alangan na sabihin ng mga parents sa mga anak na kapag siya’y magkaroon ng ugnayang sekswal sa isang lalaki ay maaari siyang mabuntis. Sa magandang pagpapaliwanag dapat ipamulat na sex is beautiful subalit may pagkakataong ito’y iwasan gaya ng pakikipag-premarital sex. Dapat ding ituro lalo na ng mga ina, ang moral at personal hygiene ng anak.

Nasa tamang impormasyon at pagkakaiba ng mga magulang, mga guro, mga ka-barangay, iba’t ibang NGO’s ang ikatatagumpay ng reproductive health at dito’y iniuugnay ang responsible parenthood na kinabibilangan ng programa sa pagpaplano ng pamilya. Ayon sa pinakahuling ulat, apat na sanggol ang ipinanganganak bawat minuto kaya umaabot sa dalawang milyon ang ipinanganganak bawat taon sa Pilipinas.

vuukle comment

ANAK

AYON

BABAE

DAPAT

DATI

KAPAG

LANG

MAGING

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with