Mag-ingat sa diarrhea

PANAHON ng La Niña kaya maraming lalawigan sa bansa ang sobrang ulan at baha na nagbunga sa pagkakasakit ng marami. Bukod sa sipon at ubo, marami ang nagka-diarrhea.

Kasabihan early prevention is better than cure narito ang ilang paraan para maiwasan ang diarrhea: Ugaliing malinis ang kapaligiran. Siguraduhing malinis ang kakainin lalo na sa mga batang sumususo sa ina. Kung ang pagkain ng ina ay kontaminado ng mikrobyo masususo ito ng kanyang baby. Dapat na uminom ng malinis na tubig. Laging pakuluan ang tubig na iinumin.

Ang paghuhugas ng kamay na gamit ang sabon ay dapat na gawing palagi. Ang hindi paghuhugas ng kamay matapos kumain at dumumi ang dahilan para dapuan ng diarrhea. Ang mainam na paggamit ng comfort room ay isa pang dapat na bigyan-pansin. Ayon sa mga manggagamot safe and hygienic disposal of feces (tae) can prevent diarrhea from spreading from one person to the next. Maging ang proper disposal of young children’s stoll ay dapat ding isagawa.

Show comments