12 munting paraang pagtulong sa bayan
September 9, 2005 | 12:00am
MAKABAYAN si Alexander Ledesma Lacson. Ordinaryong mamamayan, pero naglabas ng munting librong naglilista ng 12 maliit na paraan para makakatulong ang bawat isa sa bansa. Madali lang sana:
1. Sumunod sa batas trapiko. Bakit ito importante? Batas trapiko ang pinaka-simpleng batas. Ang pagsunod dito ang pinaka-simpleng paraan ng pambansang disiplina. Wala pang gastos.
2. Humingi ng official receipt. Kung walang O.R. malamang hindi magbayad ng buwis ang iyong binilhan o binayaran. Ikaw din ang lugi kung kapos ang koleksiyon ng BIR at pera ng gobyerno mo.
3. Bumili ng gawang Pilipinas, huwag smuggled. Makikinabang pa ang lokal na negosyo, magkakatrabaho ang mga Pilipino.
4. Kung kausap lalo na ang dayuhan, purihin ang ating lahi. Ang mabuting impresyon nila sa Pilipinas ay kakalat sa buong mundo.
5. Galangin ang traffic officer, sundalo at nagseserbisyo publiko. Walang tatalo sa respeto bilang pagtaas ng dangal ng tao. Lalo siyang sisipag at magsisikap na pagbutihin ang trabaho.
6. Huwag magkalat. Itapon ang basura sa tamang lugar. Mag-segregate, recycle at compost. Lilinis ang paligid, gaganda ang mundo.
7. Suportahan ang iyong simbahan. Isama na rin ang charity at samahang sibiko. Kailangan nila ng talino, sipag at abuloy mo.
8. Sa halalan, tuparin ang tungkulin. Ang katapatan, hindi titulong Masters o Doctorate, ang batayang sukat ng galing at kredibilidad.
9. Suwelduhan nang sapat ang iyong empleyado. Nakakasigla ng puso ang yumuko at iangat ang kapus-palad. At magagawa ito sa mga taong pinaka-malapit sa iyo.
10. Magbayad ng buwis. Ang perang ito ay babalik bilang serbisyo.
11. Mag-ampon ng iskolar o maralitang bata. Hindi kailangan itira sa iyong bahay. Tustusan lang upang makapag-aral at umasenso.
12. Maging mabuting magulang. Turuan ang anak na sumunod sa batas, tumulong sa kapwa, at mahalin ang bansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest