^

PSN Opinyon

Cabinet secretary tsikboy pa rin kahit amoy lupa na

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang may chiching pala ang isang Cabinet secretary kahit siya ay malapit nang maging amoy lupa?

Ayon sa aking bubuwit, 131 days na lang at Pasko na.

Happy birthday kay NTC Director Lily dela Peña, Jolly Macuja ng MBC; Army Maj. Toinks Valencia, Marie Hugo ng GMA-7 at Dra. Inday Morales ng YMCA Makati City.
* * *
Alam n’yo bang kahit sakitin na ang isang Cabinet member ni President Gloria Macapagal-Arroyo ay tsikboy pa rin?

Ayon sa aking bubuwit, medyo matagal na rin pala ang illicit love affair ni Secretary at kanyang chiching.

Kaya pa kaya ni Secretary, kasi medyo mahina na siya ngayon dahil sa kanyang sakit. Sabagay, meron namang Viagra ngayon at cialis di ba?

Ayon sa aking bubuwit, ang chiching ay sundo’t hatid pala ng driver ni Cabinet Secretary.

At meron siyang nakatakdang schedule ng pagsundo. Regular ang sundo sapagkat regular din ang kanilang pagkikita sa kanilang love nest.

Ayon sa aking bubuwit, once a week kung magkita si Secretary at kanyang chiching. Ito ay tuwing Huwebes ng hapon.

Ito ay walang paltos, rain or shine ’ika nga. Umulan man o bumagyo ay tuloy ang kanilang pagkikita.

Mula sa office ni Secretary sa Manila ay sinusundo ng kanyang driver ang chiching nito sa University of the Philippines. At mula roon sa UP ay ihahatid ang chiching sa isang condo unit sa Quezon City. Dito ang love nest nilang dalawa.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang chiching ni Mr. Cabinet Secretary ay hindi pa naman amoy lupa.

Mas bata ito sa kanya pero hindi na ito Daisy to Betty anyos. Maaring umabot na ito sa Tirinta’y anyos o baka paga-Karentay anyos na siya.

Ang chiching ni Secretary na kapiling niya tuwing Huwebes ay walang iba kundi si…

Meron pa kaya silang session ng carnal knowledge o baka puro intellectual intercourse na lang.

Itago ko na lang siya sa pangalang Ms. Candida.

Ayon sa aking bubuwit, ang Cabinet Secretary na may chiching pa rin kahit amoy lupa na ay walang iba kundi si…

Siya ay isa ngayon sa favorite ni Pangulong GMA sapagkat maaasahan daw na tagapagtanggol sa panahon ng krisis.

Siya ay walang iba kundi si Secretary R. as in Romeo.

vuukle comment

ARMY MAJ

AYON

CABINET SECRETARY

CHICHING

DIRECTOR LILY

HUWEBES

INDAY MORALES

SECRETARY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with