^

PSN Opinyon

Food-chain magnate may P1-M indecent proposal sa isang bank employee (Last Part)

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang hindi lamang isang P1-milyon ang alok ng isang Tsinoy businessman sa isang magandang bank employee kundi may pa-kotse, pa-bahay at marami pang iba?

Hanep namang indecent proposal yan!

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Bro. Gen. Sonny Prejido, Sr. Supt. Ed Layon, Claire Ferraris de Leon, Nicole Yao, Julie Bernardino, Jaja Pamintuan, Fritzy Rala at Christopher Ram Cabal.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, bago nasabi ng food-chain magnate ang kanyang indecent proposal sa magandang bank employee ay naka-tatlong date muna sila. Kaya lang, yung date nilang yun ay kasama ang mga kaibigan ng magandang teller.

Una, sila at ang limang kaibigan ng bank teller ay nagpunta muna sa IO Video Bar sa Jupiter St., Makati City. Mahilig palang kumanta ang Tsinoy businessman.

Pangalawang date ay sa Richmond Hotel sa Ortigas Center, Pasig City. Kinuha pala ng negosyante ang Presidential Suite ng hotel na doon ay nagkantahan silang muli.

Upang mapalapit din ang negosyante sa mga kaibigan ng nililigawang bank teller ay inimbitahan pa ang mga ito na pumunta sila sa Boracay Island at sa Aman Pulo sa Palawan.

Ayon sa aking bubuwit, ang pangatlong date ni food-chain magnate at ang bank teller ay kakaiba na.

Hiniling na nito sa bank teller na kung puwede ay silang dalawa na lamang ang lumabas upang makapag-usap sila nang masinsinan. Pumayag naman ang teller at nagdate sila sa Shangrila Hotel, Makati City.

Ayon sa aking bubuwit, dito ay sinabi na ng Tsinoy businessman ang kanyang indecent proposal.

Kung papayag siya na maging siyota ng businessman ay bibigyan siya kaagad ng P1-milyon. Bibigyan din siya ng house and lot o condo unit at kotse. Kung gugustuhin pa ng teller ay pag-aaralin pa siya sa US.

Pero, ang kondisyon ay walang commitment, hindi magbubuntis at kailangan ay hanggang pitong taon lamang ang kanilang illicit love affair.

Kung titira raw ito sa US, makalipas ang pitong taon ay maaari na siyang magtrabaho doon at magsarili, katulad diumano sa mga nauna niyang naging siyota na ganun din ang arrangement.

Wow, hanep naman si Sir. Ang tindi mo Boy!
* * *
Ayon sa aking bubuwit, bagamat hindi pa sumasagot ng Oo o Hindi ang bank teller, binigyan na kaagad siya ng tsekeng nagkakahalaga ng P1 milyon.

Dahil hindi rin malaman nu’ng bank teller kung ano ang kanyang desisyon, hindi naman isinoli ang one million check kundi sinabi na lang nito sa businessman na ilagay na lamang ito sa kanyang insurance.

Sa madali’t salita hindi nag-commit ang bank teller. Heto na kamo ang siste, nang ide-deposit na ng bank teller yung P1-milyon para sa insurance, nagulat siya sapagkat closed account na pala ang banko ni Tsinoy businessman.

Hanep ka sir, sigurista ka ano?

Ang galing mo naman. Kaya lang may kahinaan din dahil hindi niya napasagot ng Oo ang maganda, sexy at Chinese mestiza na teller ng banko.

Ayon sa aking bubuwit, ang bank teller na tumanggi sa indecent proposal ng isang kilalang businessman ay si… siya ay si Miss S. as in Sandra ng isang malaking banko.

At ng Tsinoy businessman na nag-alok naman ng matinding proposal ay si… Mr. Good Boy.

vuukle comment

AMAN PULO

AYON

BANK

BORACAY ISLAND

BUSINESSMAN

MAKATI CITY

TELLER

TSINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with