^

PSN Opinyon

Pinalakas ni FVR si GMA

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
KAPANSIN-PANSIN ang paghupa ng mga panawagan at pagbatikos kay President GMA. Ang mga dating nag-iingay at pinagreresign si GMA ay pahina na nang pahina ang boses. Kung mayroon mang nagpupursige na pagbitiwin at kasuhan ng impeachment si GMA, hindi na ito halos napapansin at binibigyan ng halaga.

Ang maingay naman ngayon ay si GMA at ang kanyang kampo. Magkahalong pagpapakumbaba at matikas na pananalita ang ipinararating ni GMA sa kanyang mga pahayag. Paulit-ulit niyang sinasabi na hindi siya magbibitiw subalit ang hinihingi lamang niya ay bigyan lamang siya ng pagkakataon na maipakita na kaya niyang pamunuan nang maayos ang pamahalaan kung hindi siya guguluhun ng mga kalaban sa pulitika.

Marami ang nag-akala na hindi na niya kakayanin ang batikos ng iba’t ibang sector na hinihiling na siya ay mag-resign. Pati nga 10 miyembro ng kanyang Gabinete at si dating President Aquino ay hiniling din na magresign siya.

Malaki ang nagawa ni dating President Fidel V. Ramos kay GMA. May balita na gusto ng sundin ni GMA ang panawagang magbitiw na pero biglang nagbago nang makausap si FVR.

Biglang nabuhayan ng loob si GMA at naging matigas ang dating matapos lumabas ang pahayag ni FVR na may plano siya para kay GMA. Sabagay, maganda naman at marami rin ang sumasang-ayon sa ideya ni FVR, kaya lang, walang nakaaalam kung desidido at taus-puso si GMA na ipatutupad ang mga laman ng plano ni FVR.

vuukle comment

BIGLANG

GABINETE

GMA

MAGKAHALONG

MALAKI

MARAMI

PATI

PAULIT

PRESIDENT AQUINO

PRESIDENT FIDEL V

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with