^

PSN Opinyon

Paging DENR Sec. Mike Defensor

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NABUKO ng mga authorities ang milagro sa bulubundukin ng Sitio Ilas, Bgy. San Isidro, San Jose del Monte City dahil matindi pala ang illegal logging todits.

Hindi biro ang nakumpiskang troso nang akyatin ng mga bida mula sa Forest Ranger ng 56th IB ng Philippine Army at San Jose del Monte City Police Force sa nasabing lugar dahil tumambad sa kanila ang sangkaterbang putol na kahoy. P50 million daw ang presyo nito! Take note, DENR Secretary Mike Defensor.

Isang pulitikong bugok na may alyas ‘‘Pete’’ ang utak ng mga illegal logging sa SJDM City. Napag-alaman, hinikayat ng pulitikong bugok ang mga Dumagat para pumutol ng puno para raw gawin school ng mga children at sabungan para pagkakitaan nila.

Pero buking ng mga Dumagat ang modus-operandi ni Pete Bugok, kasi nalaman na dinadala ang mga tabla at troso sa bayan ng pulitikong kamote. Sabi nga, for business purposes!

Kaya pala sangkatutak ang checkpoint ang inilagay ni Pete Bugok sa teritoryo ng San Jose Del Monte City boundary para mabulag at matakot ang mga taga-SJDM City na gumawi sa putulan blues.

Mabuti na lang masigasig si SJDM City Vice Mayor Reynaldo San Pedro na akyatin ang bundok na sentro ng illegal logging dahil sangrekwa ang mga impormasyon na natatanggap nito.

Inihahanda na ni Vice Mayor San Pedro at ng mga iba’t ibang organisasyon ng SJDM sa pagsasampa ng kaso sa Ombudsman sa itinuturong pulitiko ng mga Dumagat.

‘‘Patay ang pulitikong bugok oras na pinangalanan siya ng mga Dumagat," anang kuwagong PO-10 sa Crame. "Tiyak iyon," sabi ng kuwagong Kotong cop.

"Ano ang mabuti para makalaboso ito ng mas maaga."

"Aksyunan agad ni Defensor ang problema."

"Tama ka, kamote!"

vuukle comment

CITY VICE MAYOR REYNALDO SAN PEDRO

DUMAGAT

FOREST RANGER

MONTE CITY

MONTE CITY POLICE FORCE

PETE BUGOK

PHILIPPINE ARMY

SAN JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with