^

PSN Opinyon

Estilong 'sipa' at ang pagtatakip ni Oscar Lazo...

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
LANTARAN ang ginawang pagtatakip ni District Director Oscar Lazo, Joel Samodio, Manager ng Central Mailing Express Center (CMEC) sa driver at courier na nahuli ng BITAG nitong nakaraang linggo sa Parañaque.

Nagsilbing "decoy" ang dalawang ito para sa apat pang mga van na lalabas sana at magdedeliver ng mga "sipa" patungo sa kanilang mga suki.

Sa paghaharap ng BITAG, ilang representatives ng custom, District Director Oscar Lazo, Joel Samodio at ang dalawang "kolokoy" na nahuli ng Task Force Anti Smuggling (TFAS), maliwanag pa sa sikat ng araw ang estilo ng pagtatakipan sa pagitan ng mga kolokoy at ng kanilang mga opisyales.

Mula kay Oscar Lazo, kumukuha ng senyales ang driver at courier sa kanilang manager na si Joel Samodio sa bawat isasagot nila sa BITAG.

Maliwanag na mayroong "paboritong grupo" ng courier at driver itong mga nasa likod ng "sipa" dahil umiikot lamang sa grupong nasabat ng TFAS at ang mga pangalang ibinigay ng aming asset ang kanilang operasyon.

Kaya naman pala protekdado at kampanteng-kampante sa pagsagot ang driver na nahuli ng BITAG dahil mayroon siyang pader na sinasandalan sa itaas.

Maging si CMEC District Director Oscar Lazo ay nahulog din sa aming BITAG ng ipagmalaki niya ang proseso sa pagsasaayos ng mga parcel at ilang mga sulat na dumadating sa CMEC.

Bukod sa mahinang seguridad, walang surveillance camera at iisa lamang ang empleyado ng custom na nakabantay dito.

Hindi rin malinaw ang trabaho ng custom representative na ito dahil base sa obserbasyon ng BITAG, limitado lamang sa pagtatatak ang kanyang trabaho…

Sa pagkakasiwalat ng BITAG sa bulok na modus na ito, inaasahan naming magpapatuloy pa rin ang estilong modus na itinatanggi ni Oscar Lazo na matagal na raw nahinto sa CMEC.

Isa lamang ang nakikita naming solusyon sa problemang ito. Bukod sa suhestiyon ni Postmaster General Dario Rama na ipahiya ang sinumang mahuhuli sa ganitong modus, dapat ding ipatupad ang "big brother system" na kinasanayan sa ibang bansa, kung saan may mga surveillance camerang nakamasid sa bawat kilos at galaw ng mga mapagsamantalang beteranong miyembro ng sindikato.
* * *
Hotline number (0918) 9346417 o tumawag sa mga numero 932-53-10 at 932-89-19. Makinig sa DZME 1530 Khz, Monday-Friday, 9:00-10:00 A.M. At panoorin ang programang "Bahala si Tulfo" Monday-Friday, 9:00-10:30 a.m. sa UNTV 37.

vuukle comment

BITAG

BUKOD

CENTRAL MAILING EXPRESS CENTER

DISTRICT DIRECTOR OSCAR LAZO

JOEL SAMODIO

MONDAY-FRIDAY

OSCAR LAZO

POSTMASTER GENERAL DARIO RAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with