^

PSN Opinyon

Senator, madalas kumuha ng GRO dahil bihira silang magkita ng asawa

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang madalas kumuha ng GRO ang isang senador dahil madalang na silang magkitang mag-asawa?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday kay Isabela Rep. Anthony Miranda, Manny Bal ng DZRH; Alberto "Bulilit" Marquez ng Associated Press; Lt. Col. Emmanuel Ramos, Maj. Poten Camba ng PSG; Dr. Antonieta Ramos, Bros. Wilson Amper, Juanito Espino Jr. at Sis. Arlene Vano.
* * *
Alam n’yo bang madalas sa bahay-aliwan ang isang senador at kumukuha ng GRO?

Ayon sa aking bubuwit, dahil sa dami ng trabaho at problema ng mambabatas, para umano makapag-relax ay nagpupunta na lamang sa isang bahay-aliwan.

Bukod kasi sa mga magaganda at seksing GRO sa nasabing bahay-aliwan ay meron ding mga seksing taga-masahe roon.

Ito pala ang kanyang ginagawa para maalis ang kanyang pagod.

Ano ba ang gusto mo Mr. Senator, powder ba o lotion? Shiatsu ba o Swedish? Moderate ba o hard? Single ba o double?

Ayon sa aking bubuwit, pati ang GRO na napili ni Mr. Senator sa "aquarium" ay nagulat din nang magkita sila. Siyempre, dahil sikat na sikat si senator, wala na yatang tao sa bansa ang hindi nakakakilala sa kanya.

Bukod kasi sa sikat si Senator, ang kanyang misis ay sikat-na-sikat din. Kilala silang mag-asawa sa buong bansa.

Nagtanong tuloy yung GRO kay Senator kung bakit nagpupunta pa ng bahay-aliwan e maganda naman ang kanyang misis.

Ang sagot ng senador ay bihira raw silang magkita ng kanyang misis. Madalas na nasa probinsiya si Misis at siya naman ay nasa Senado.

Dahil bihira silang magkita, iniraraos na lang ni Senator ang kanyang init sa katawan sa mga magaganda, sexy at batambatang GRO sa Sucat, Parañaque.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, bagamat nakikipag-"libing" si Senator sa mga GRO, siya naman ay maingat. Sinusunod daw parati ni Senator ang payo ng kanyang kapwa senador na mas matanda sa kanya.

Kailangan, kapag may aksiyon tulad ng "Let’s DO-H it!", dapat ay gumagamit ng condom.

Ayon sa aking bubuwit, mabait at galante si Senator sa kanyang naka-partner na GRO.

Hindi raw bastos tulad ni Willie Revillame. Si Senator ay maginoo at galante.

Sa katunayan ay natuwa ang GRO sapagkat ang ibinigay na tip ni Senator ay P5,000.

Ang senator na madalas makipag-date sa mga GRO ay si Senator… Siya ay guwapo at bata pa.

Siya ay si Sen. R. as in Romeo.

vuukle comment

ANTHONY MIRANDA

ARLENE VANO

ASSOCIATED PRESS

AYON

BUKOD

GRO

KANYANG

MR. SENATOR

SENATOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with