Modernong hearing aids

SA panahong ito, hindi na problema kung may kapansanan sa pandinig.

Napatunayan ng BANTAY KAPWA ang hiwaga ng modernong siyensiya sa pamamagitan ni Dr. Eduardo Go ng Hi-Tech Hearing Center sa Makati City. Ipinagmamalaki ni Dr. Go ang tatlong makabagong hearing aids nila.

Una niyang ipinakita ang "Da Vinci PxP" na sinasabing pinakamalakas na hearing aid. Ito’y para sa malapit nang mabingi o ang tinatawag na severe to profound hearing impairment. Ayon kay Dr. Go, simpleng gamitin ang hearing aid na ito, malinaw ang dating at kahit na sa telepono ay hindi ito nagpi-feedback.

Ang ikalawa niyang ipinakita ay ang "Aspect" na maliit at nakatago sa ibabaw ng tenga. Kakulay ito ng buhok at pinung-pino kaya hindi napupuna. Digital ito at automatic pa. Bagay ang hearing aid na ito sa mga bata, sa mga dalaga at babaing mahilig magpaganda. Ang pangatlong hearing aid na ipinakita ni Dr. Go ay ang "Klear". Wala itong kulay. Kapag ito’y nakasuot sa tenga ay wala kang makikitang nakalagay sa tayga. Automatic din ang lahat ng adjustment nito.

Ipinaliwanag ni Dr. Go na ang lahat ng hearing aids na ito ay ginagamitan ng digital circuit at windows XP programmed chips para sa maliwanag na pandinig. Sa karagdagang kaalaman, matatawagan si Dr. Go sa 723-1159/60 at 8671229/30.

Show comments