^

PSN Opinyon

Garbong kaugalian dapat alisin

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
PANAHON na naman ng graduation at malaking problema na naman sa ating mga magulang, lalo na yung mga hindi kayang magbayad ng kabuuan ng tuition fee ng mga anak kaya dinadaan na lang sa hulugan.

Kaso sa hirap ng buhay ay marami sa mga magulang ang mapipilitan pang mangutang upang makakuha ng exams ang kani-kanilang mga anak at makapagmartsa sa araw ng graduation.

Meron namang iba na puwersahang magbebenta ng konting naipundar na lupa, kalabaw o kung anumang maliit na pag-aari upang matiyak lang na matuloy ang pag-aaral o pagtatapos ni junior o ni ineng.

Pinakamasakit diyan ay ang mga walang matatakbuhan kaya walang magagawa ang kanilang mga anak kung hindi maghintay ng milagro o pumirma ng katakut-takot na promisory note sa paaralang pinapasukan upang makakuha lang ng exams kahit hindi muna makita ang resulta.

Pero ang mga kagipitang ganoon ay handang iutang, pagbilhan o ipagpalimos ng mga magulang dahil nais naman ng lahat ng ama’t ina ang makitang makatapos ang kanilang mga anak.

Lahat yan ay walang dudang igagapang kaya sana naman ay hindi na dagdagan ng kung anu-ano pang mga walang kuwentang seremonya na iaatang lang sa mga naghihikahos ng magulang.

Kasama sa mga dapat alisin ay mga graduation exercises na dinadaos pa sa mga five star hotels. Puwede namang gawin ang pagmartsa kahit sa gym lalo na para sa mga batang nagtatapos lang sa prep, elementary at high school.

Para roon sa mga nagtatapos sa kolehiyo o unibersidad, okay naman gawin ang commencement exercises sa kani-kanilang gym o malalawak na lugar sa loob ng kampus.

Sa kahirapan ng buhay ngayon, dapat lang na magtipid.

Dapat ding alisin ang pagsusuot pa ng toga kahit hindi naman kolehiyo ang tinapos. Kaartehan na rito sa atin ang kahit elementary o high school graduate ay may toga pa. Obvious naman na sobra na ito at kumikita lamang ay ang mga nagpapahiram ng toga.

Dapat ding baguhin ang sistema na pinabibili pa ng bagong damit gaya ng barong ang mga graduates lang naman ng prep, elementary o high school samantalang ang dapat sana ay magsuot na lang sila ng uniporme nila sa eskwelahan na magagamit pa naman nila pagpasok nila muli sa eskwela.

Example nito ay kung magtatapos ka ng elementarya, bakit hindi pa ang gamitin na lang na damit sa pagmartsa ay yung sa high school? Sa ganoong paraan, masusuot pa ang nasabing damit at hindi yung isang suotan lang ay itatabi na sa baul.

Mas mabuti rin sigurong kalimutan na ang mga yearbook na sa totoo lang ay pinakakain lang sa mga anay at ipis. Kadalasan kasi ay mapipilitan pang maghanap ng advertisers ang mga magulang. Kung wala silang makuha ay napipilitan pang sa perang nakaimpok kunin.

Maganda siguro ay ilagay na lang ang larawan ng lahat ng magkaka-batch sa isang CD at ligtas pa ito sa mga insekto bukod sa mas mura, tiyak ito at madali pang maibigay agad sa mga nagtatapos.

Kahit yung pagbili ng graduation ring o batch ring ay dapat na rin sanang kalimutan at ibaon sa limot. Mahal ang bawa’t singsing na nagiging mitsa pa ng buhay kung mamalasmalasin kang harangin ng holdaper. Kung mahigpit ang pagkakasuot ay baka maging dahilan pa ng pagputol ng iyong daliri.

Of course sa mga mayayaman, lalo na ang mga produkto ng mamahaling eskwelahan ay maaaring ituloy ang kagarbohan dahil kaya naman daw ni Papa at ni Mama.

Kaso nga lang, sa dami ng ating mga kababayan na naghihirap, hindi kaya magandang kolektahin na lang natin ang magagastos ay ibigay sa tunay na nangangailangan.

Maaga pa nating naturuan ang ating mga anak ng pagiging matulungin at pagkakaroon ng social responsibility.

Sa oras ng kagipitan, dapat alisin ang mga walang kuwentang kagarbohan na walang idudulot na mabuti sa ating kabataan kung hindi turuan sila agad na maging mayabang.

Magsilbi tayong ehemplo upang tama ang pagpapalaki natin sa ating mga anak.
* * *
Para sa anumang reaksyon, sumulat lang sa [email protected] o [email protected] o di kaya’y mag-text sa 09272654341. Mapapakinggan n’yo rin po ang inyong lingkod sa MATA NG AGILA sa DZEC 1062 mula 6:15 hanggang 8:30 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes.

vuukle comment

ANAK

BIYERNES

DAPAT

KAARTEHAN

KASO

KUNG

LANG

NAMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with