^

PSN Opinyon

Video karera laganap sa Cabuyao,ano ba PNP Dir. Oscar Calderon

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
BULAG ang mga mata ni Police Director Oscar Calderon, Provincial Director ng Laguna laban sa illegal na operasyon ng video karera at jueteng sa kaharian ni Governor Ningning Lazaro.

Ito ang nilalaman ng liham na ipinaabot sa akin ng mga magulang na labis na naapektuhan ang pag-aaral ng kanilang mga anak. Ayon sa kanila sina Ernesto Perez at ang magkapatid na Eric at Jose Matias ang kapitalista sa video karera at jueteng sa kanilang bayan.

Super bagyo sa lakas umano ang mga ito sa liderato ni Philippine National Police (PNP) Dir. Gen. Edgar Aglipay kaya wala silang takot sa mga kapulisan. Tubong Nueva Ecija sina Ernesto Perez, Eric at Jose Matias na dumayo sa Cabuyao upang ikalat ang kanilang ilegal na negosyo.

Malaki umano ang ipinararating na datung sa tanggapan ni Calderon linggu-linggo kaya walang aksyon na hulihin ang mga ito. He-he-he! Kaawa-awa naman ang mga mamamayan ng Cabuyao. May takip ang mga mata ni Sir kaya hindi niya makita ang malaganap na operasyon ng mga ilegal sa sugalan.

Aba! Mga suki, maging ang tanggapan ng Mayor at mga Barangay Chairman ay namamantikaan din ayon sa sulat na nakarating sa akin, he-he-he!, Naku po! mga suki, kung gayon, lahat pala ng mga opisyal diyan sa Cabuyao ay nakikinabang sa video karera at jueteng. Totoo ba iyan mga Sir?

Isang sakong bigas ang ipinamumudmod ng tatlo sa mga barangay chairmen kaya tikom ang mga bibig nila. Ang bait din naman ng mga chairmen ala "Robinhood" dahil ang bigas na ibinigay ay ipinamamahagi rin nila sa kanilang mga tanod. Kaya’t di kataka-takang mga tanod mismo ang nagsisilbing look-out sa naturang illegal na negosyo.

Sayang ang botong ibinigay sa inyo mga taga- Cabuyao, matapos kayong iluklok sa puwesto eto ang inyong ipapalit. Dahil lamang sa kinang ng "datung" nalimutan na ninyo ang inyong tungkulin na paglikuran sila ng tapat. At para sa kaalaman ninyo mga Sir, lantaran na ang mga video karera sa buong Cabuyao na makikita sa harapan ng munisipyo, maging sa tapat ng mga barangay outpost at sa kapaligiran ng mga eskwelahan, kaya’t kadalasan sa halip na pumasok sa school ang kanilang mga anak ay nauubos ang baon at oras sa paglalaro ng video karera.

Hayagan din ang kubransa ng mga kubrador ng jueteng sa loob ng munisipyo, palengke at bahay-bahay. Ano ba iyan, Gen Aglipay? Wala na bang maasahan ang mamamayan sa kapulisan ninyo sa Cabuyao? Antayin pa ba natin na magumon sa masamang bisyo ang mga kabataan?

Alam naman ninyo na ang kakambal ng video karera ay shabu kaya karamihan sa mga naglalaro ay mga adik. At sa halip na ibili ng pagkain upang panawid gutom ayan napupunta pa sa bulsa ng mga illegalista. Ikumpas mo na ang iyong kamay, hagupitin mo si Calderon upang magising sa mahimbing niyang pagtulog.

Huwag ka nang patumpik-tumpik at baka makarating pa sa kaalaman ni DILG Secretary Angelo Reyes. He-he-he! Abangan.

vuukle comment

BARANGAY CHAIRMAN

CABUYAO

EDGAR AGLIPAY

ERNESTO PEREZ

GEN AGLIPAY

GOVERNOR NINGNING LAZARO

JOSE MATIAS

KAYA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with