Kumilos laban sa katiwalian
October 12, 2004 | 12:00am
MARAMI ang may gustong isuka si Winston Garcia, president at general manager ng GSIS. Namamaos na ang boses ng mga bumabatikos na karamihan ay mga empleado ng GSIS pero patuloy pa ring nanunungkulan si Garcia at wala namang gaanong reaksiyon ang Malacañang.
Inamin ng Malacañang na maraming GOCCs at iba pang ahensiya ng gobyerno ang nalulugi. Naglabas ng kautusan si President Arroyo na magbawas ng suweldo at allowances ang mga pinuno ng GOCCs upang makatipid. Pero kapansin-pansin ang kabagalang umaksiyon ng presidente. Hindi maliit na problema ang kaso ni Winston Garcia kaya nararapat itong bigyan ng mabilisang aksyon.
Pati sa AFP ay may kontrobersiya sa katauhan naman nina Generals Carlos Garcia at Ralph Flores. Si General Garcia ay nahaharap sa ibat ibang kaso ng katiwalian kaugnay sa pagkakamal ng daan-daang milyong piso at dolyar na umanoy galing sa mga contractors at suppliers noong siya pa ang comptroller ng AFP. Si General Flores naman ay inakusahan nang pandaraya sa kanyang birthdate para mapahaba ang serbisyo sa military.
Marami pa raw mga kaso ng katiwalian at mga kawalanghiyaan ang nagaganap sa military at kasangkot dito ang mga matataas na pinuno ng AFP.
Nakatuon ang mga mata ng mamamayan sa presidente. Ang mabilis niyang aksyon sa mga katiwalian ang inaabangan ngayon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended