^

PSN Opinyon

Pagpapagaling sa mga ketongin

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
SA kapanahunan ni Jesus, ang ketong ay karaniwang sakit. Ang mga ketongin ay inihihiwalay. Walang ipinagkaiba sa panahon natin ngayon na nakahiwalay din ang mga ketongin. Walang lunas sa sakit na ito. Narito ang kuwento tungkol sa pagpapagaling sa 10 ketongin (Lk. 17:11-19).

Sa paglalakbay ni Jesus patungong Jerusalem, nagdaan siya sa hangganan ng Samaria at Galilea. Nang papasok na siya sa isang nayon, siya’y sinalubong ng 10 ketongin. Tumigil sila sa malayu-layo at humiyaw ng: "Jesus! Panginoon! Mahabag po kayo sa amin!" Nang makita sila ay sinabi niya, "Humayo kayo at pakita sa mga saserdote!" At samantalang sila’y naglalakad, gumaling sila. Nang mapuna ng isa na siya’y magaling na, nagbalik siyang sumisigaw ng pagpupuri sa Diyos. Nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus at nagpasalamat. Ang taong ito’y Samaritano. "Hindi ba 10 ang gumaling?" tanong ni Jesus. "Nasaan ang siyam? Wala bang nagbalik at nagpuri sa Diyos kundi ang dayuhang ito?" Sinabi ni Jesus sa kanya, "Tumindig ka’t humayo sa iyong lakad! Pinagaling ka dahil sa iyong pananalig."


Malaking katuwaan para sa 10 ketongin na makita ang kanilang mga sarili na magaling na. Ang kanilang mga uka-ukang mukha ay malilinis na. Ang kanilang mga paa’t kamay ay nanumbalik na sa dating kalusugan. Subalit sa 10, tanging iisa lamang – isang Samaritano – ang bumalik kay Jesus. Nagpatirapa ito sa harap ni Jesus at nagpasalamat. Isang mas malaking gantimpala ang ibinigay sa kanya ni Jesus. Nabigyan siya ng handog na pananampalataya.

Alam n’yo bang pasalamatan ang Diyos para sa mga handog niya na natatanggap ninyo — malaki man o maliit? Alalahanin natin na ang Diyos ay hindi mahihigitan sa kanyang pagkabukas-palad.

vuukle comment

ALALAHANIN

ALAM

DIYOS

JESUS

NAGPATIRAPA

NANG

SAMARITANO

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with