^

PSN Opinyon

Black market sa loob ng NAIA (2)

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
PINAKAKALKAL ni MIAA general manager Al Cusi ang lahat ng uri ng mga kontrata sa airport pati pala mga miyembro ng Public Bidding and Awards Committee ay mula PBAC 1 to 5 ay niyugyog niya. Gagawa raw ng super PBAC committee si Cusi para ma-monitor ang takbo ng mga kontratista kumukuha ng mga milyones na kontrata sa NAIA. Ika nga, lagot kayo! He-he-he!

Pinarerebisa rin ni Al, ang kontrata ng 5 money changer at lotto outlet sa airport. May nagbulong sa mga kuwago ng ORA MISMO, alam kaya ni BIR housing Willy Parayno, ang operasyon ng limang money changer sa airport dahil walang resibo itong ibinibigay sa mga nagpapapalit na OFWs at maging mga turista.

Maliwanag na lumalabag sa batas ang money changer dahil required na mag-issue sila ng resibo para malaman ng BIR kung magkano ang para sa gobyerno. Imbudo ang money changer na ito. Kopong-kopo ang lahat ng mga nagpapalit ng foreign currency.

Mas mataas pa ang kanilang rate sa itinakda ng Bangko Sentral ng Pilipinas kaya panay ang angal ng mga bangko sa airport. Kaya naman palaisipan pa rin sa kuwago ng ORA MISMO kung bakit pinayagan itong money changer na makapagpatayo ng puwesto sa loob mismo ng security risk area.

‘‘Dapat talagang silipin ni Cusi ang kontrata ng Jacinto money changer, dahil sobrang dami ng kanilang puwesto,’’ sabi ng kuwagong pulis na naglalanggas ng galis.

‘‘Maliwanag na black market ito dahil walang resibo?’’ anang kuwagong bungal na nagmumumog ng tubig.

‘‘Kung walang resibo, eh di malaki ang nawawala sa gobyerno?’’ Tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Kawawa talaga si Juan dela Cruz, pinagtitipid nang husto ni Prez GMA samantalang may gumagawa ng milagro?’’ Sabat ng kuwagong sipulturero na naghuhukay ng sariling libingan.

‘‘Kailangang umaksiyon na si Cusi, dahil mainit sa mata ng noypi ang issue ng Jacinto money changer,’’ anang kuwagong naglilinis ng kuko.

‘‘Iyan ang hihintayin ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil mukhang Action man si Cusi, kaya tiyak may magandang desisyon sa darating na mga araw.’’

‘‘Hihintayin natin iyan, kamote.’’

vuukle comment

AL CUSI

BANGKO SENTRAL

CHANGER

CUSI

JACINTO

MALIWANAG

MONEY

PUBLIC BIDDING AND AWARDS COMMITTEE

WILLY PARAYNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with