^

PSN Opinyon

Malapit na ang katapusan ni SPO4 Jun Lim at Boy Muso

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MUKHANG kumikipot na rin ang landas ng grupo ni SPO4 Felipe ‘‘Jun’’ Lim, ang hepe ng anti-vice unit ng Mandaluyong City police. Bunga sa maraming sumbong na bangketa at extortion laban sa anti-vice unit, binalian ng pakpak ni Supt. Ericson Velasquez, ang hepe ng lokal na pulisya at tinanggal sa grupo ni Jun Lim at Boy Tuso… este Boy Muso ang mandate ukol sa illegal drugs. Kaya sa ngayon, lulugo-lugo ang mga taga-anti-vice unit dahil malaki ang nawala sa kanila.

Kung anong kasaganaan nila ay malalaking tipak ng baboy, karne at manok ang ulam nila sa tanghali, aba sa ngayon medyo lumiit na ang rasyon nila. Kaya lihim ding natutuwa ang mga kabaro ni Jun Lim sa sinapit nila sa kasalukuyan at naniniwala silang malapit na ring matapos ang kahibangan ng grupo ng anti-vice unit. He-he-he! Malapit nang magbalot si Jun Lim, di ba mga suki?

Nasa tamang landas lang si Velasquez nang ialis niya sa grupo nina Jun Lim at Boy Tuso… este Boy Muso ang trabaho sa illegal drugs. Sinabi ng nakausap nating taga-Mandaluyong na napuno na ang tenga ni Velasquez sa mga sumbong na itong anti-vice unit ay involved na sa hulidap operations para lang kumita ng limpak-limpak na salapi. Kahit walang armas na warrant umano ay pilit na pinapasok ng mga sibilyan, sa pamumuno ni Boy Tuso… este Boy Muso ang mga bahay ng suspetsadong drug pusher sa dis-oras ng gabi. Kahit walang nakuhang ebidensiya ang grupo, ayon sa mga sumbong ay tinatangay nila ang mga pera, alahas at mamahaling gamit ng mga suspect at kapag umalma ay tinataniman nila ang mga ito ng sachet ng shabu. Sino pa ba ang makapagreklamo laban sa talipandas na grupo ni Boy Tuso… este Boy Muso eh mga sibilyan sila? Hindi tulad ng pulis na kapag naireklamo sila ay puwedeng suspendido, i-floating o ilipat ng mga unit. Kaya kahit nasa tama sila, ipinauubaya na lang ng mga residente ang kapalaran nila sa Maykapal at sa tingin nila dininig naman ang dasal nila, he-he-he! May katapusan talaga ang kasamaan, di ba mga suki?

Sa ngayon, lumapit na si Jun Lim sa padrino niyang mga Abalos para kumbinsihin si Velasquez na ibalik ang mandate nila sa illegal drugs. Pati ang kaaway ng mga Abalos na si Myrna Leuterio ay nilapitan na rin ni Jun Lim. Siyempre pa, pinagbibida ng mga padrino ni Jun Lim ang mga accomplishment ng anti-vice unit sa pakikibaka laban sa droga. Maaaring may nagawa ring maganda ang anti-vice unit sa illegal drugs, pero kung ang mga santambak na reklamo ang gagawing basehan, mabuti pa sigurong ibigay na lang sa pulisya ang trabaho laban sa droga, di ba mga suki? At sa aspetong ’yan, matitigil na rin ang pagpulis-pulisan na mga sibilyan sa anti-vice unit. Aba, dapat sigurong suportahan natin ang desisyon na ito ni Velasquez para sa ikatatahimik na rin ng siyudad ni Mayor Boyet Gonzales. Marami kasi ang nakapagsabi sa akin na kaya naman ng pulis ang trabaho laban sa droga at hindi na kailangan ang pakikialam ng anti-vice unit ni Jun Lim at mga pulitiko na may pinoprotektahang pansariling interes.

May balita pa tayo na may isang babaing pulis diyan sa anti-vice unit na inilipat ni Velasquez ng puwesto at sa ngayon ay nagmamaktol. Marami na ring nilapitan si alyas Telly para ibalik siya sa unit ni Jun Lim pero nadismaya siya dahil matigas ang paninindigan ni Velasquez na sa Women’s Desk angkop ang kakayahan niya. Ano ba talaga ang meron sa anti-vice unit at ayaw umalis doon ng mga pulis? May ginto kayang ipinamamahagi si Jun Lim tuwing 15-30 ng buwan? At bakit nagpapakamatay si Jun Lim na maibalik ang mandate niya laban sa droga? Malaking grasya ba ang nawala sa bulsa mo ha, Jun Lim at Boy Tuso… este Boy Muso Sirs? Abangan!

vuukle comment

ANTI

BOY

BOY TUSO

JUN

JUN LIM

LIM

UNIT

VELASQUEZ

VICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with