^

PSN Opinyon

Bakit nakapuwesto pa si SPO4 Arsenio Mangulabnan ?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
SUPER bagyo ang dating kay Makati City Jojo Binay ng kontrobersiyal na dating hepe ng lokal na anti-drug unit chief na si SPO4 Arsenio Mangulabnan. Hamakin n’yo mga suki ang lahat ng kasama ni Mangulabnan sa sigalot diyan sa siyudad ni Binay ukol sa umano’y bentahan ng droga ay nasibak o naka-floating na pero siya ay nakapuwesto pa. Imbes kasi na itapon sa kangkungan ay parang napremyuhan pa si Mangulabnan ng ilagay siya bilang hepe ng anti-carnapping unit ng pulisya ni Binay. He-he-he! Malakas sigurong magparating si Mangulabnan kay Supt. Jovy Gutierrez, ang hepe ng pulisya ng Makati City, no mga suki?

Teka nga pala, bakit nandiyan pa sa puwesto si Gutierrez eh halos tatlong taon na siya diyan ah? Paki-esplika mo nga NCRPO chief Dir. Ricardo de Leon Sir. Si Gutierrez na lang ba ang may kakayahan na mamuno ng pulisya sa kaharian ni Binay? Eh kung sa away nina Mangulabnan at Supt. Jose Salido ay hindi kaagad naaksiyunan ni Gutierrez, ang ibig bang sabihin niyan, humihina na ang liderato niya? Kung ang away nga ng dalawa niyang tauhan ang gagawing basehan, mukhang hindi na nila ginagalang si Gutierrez, di ba mga suki? ’Ika nga sa Kongreso, kapag sumigaw na ng shut up! eh dapat tahimik na pero sa patuloy na patutsadahan nina Salido at Mangulabnan, ibig sabihin masalimuot pa sa pulitika ang away nila.

Ang balita naman na nakarating sa akin, hindi lang recycling ng droga lumilinya si Mangulabnan at mga tauhan niya noon sa drug enforcement unit kundi maging sa sugal na video karera. May halos sampung makina raw si Mangulabnan at nakalatag sa Bo. La Paz at Tejeros at sa Barangay Pembo sa Ft. Bonifacio. Ang locator ni Mangulabnan, anang mga kausap ko ay mga miyembro mismo ng Makati Anti-Drug Action Center o MADAC na pinamumunuan ni Vice Mayor Ernesto Mercado. Ang mga taga-coins out naman ay mga tauhan din ni Mangulabnan at mga MADAC din. Ano ba ’yan? Kaya ang dapat sisihin ni Binay kung bakit maraming adik sa kanyang lugar ay itong MADAC mismo at ang grupo ni Mangulab-nan, na umano’y may anak din sa isang drug pusher. Sobrang intriga na ’to, di ba mga suki? Maliwanag kasi ang kautusan ng mga superior officer nila na dapat suspendido si Mangulabnan habang iniimbestigahan ang kaso nila ni Salido pero hindi naman sinunod ni Gutierrez. Magkano ba Supt. Gutierrez ha? He-he-he! Tiyak ko na pera ang puno’t dulo ng problemang ito, di ba mga suki? Sibakin na si Gutierrez para manahimik na ang Makati police!

Napag-usapan na rin lang ang pera, aba marami niyan si SPO3 Henry Ignacio ang kolektor ni Sr. Inspector Jesus Kabigting ng CIDO sa CIDG sa Camp Crame. Gamit ang kanyang sasakyang may plakang TRF 329, aba nililibot ni Ignacio ang buong Metro Manila para ikolekta ng intelihenssiya ang amo niya na si Kabigting para mapuno ang bulsa niya bago siya magretiro. Hindi naman taga-CIDG si Ignacio kaya’t hindi siya kayang disiplinahin ni CIDG chief Gen. Art Lomibao. Marami pang pahihirapan sina Mangulabnan at Ignacio di ba mga suki? Abangan!

vuukle comment

ARSENIO MANGULABNAN

ART LOMIBAO

BARANGAY PEMBO

BINAY

CAMP CRAME

DRUG ACTION CENTER

GUTIERREZ

IGNACIO

MANGULABNAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with