^

PSN Opinyon

Huwag guluhin ang proseso ng eleksyon

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
KUNG ang exit poll ng Social Weather Stations (SWS) at iba’t ibang survey na ginagawa ng mga radyo at telebisyon, lumalabas na si President Gloria Macapagal-Arroyo ang nangunguna. Si Noli de Castro naman ay nakakaungos sa kanyang kalaban na si Loren Legarda.

Hindi maganda ang pagtanggap ng kampo ni FPJ sa resulta ng mga survey at nagpahayag pa nga ang mga ito na ang administrasyon ay gumagawa ng mga paraan upang mandaya. Sinabi ng mga ito na may mga natatanggap silang reports na galing sa iba’t ibang lugar na talamak ang ginagawang pandaraya ng administrasyon.

Marami sa ating mga kababayan ang nangangamba sa mga pahayag at sa ipinapakitang reaksyon ng kampo ni FPJ. Kinukondisyon nila ang isipan ng ating mga mamamayan na may nagaganap na dayaan kahit na hindi pa man inuumpisahan ang bilangan. Sa ilang pagkakataon, pinagdidiinan pa nga nila na hindi nila tatanggapin at siguradong magkakagulo kapag natalo si FPJ. Tama ba ito? Di ba masyadong iresponsableng pahayag ito?

Mabuti pa nga si Sen. Ping Lacson. Pinakiusapan niya ang lahat ng mga matatalo sa katatapos na eleksyon na tigilan na muna ang pagpoprotesta at tanggapin ang kinalabasan ng halalan sapagkat hindi ito makabubuti sa ekonomiya at tagilid na kalagayan ng bayan. Sinabi ng senador na walang dapat sisihin kung sakali mang nadaya sila kundi sila mismo sapagkat hindi nila siniguradong protektahan ang mga boto nila.

Malamang ay mabuti pa ngang hintayin na muna natin ang kalalabasan ng eleksyon subalit dapat ay patuloy pa rin ang masusing pagbabantay sa nagaganap na bilangan at handang magsagawa ng legal na reklamo kapag may nasaksihang dayaan. Samantala, ipaubaya natin ang paglaganap ng normal na takbo ng proseso ng halalan. Congratulations sa mga nananalo at sa mga natalo, better luck next time.

vuukle comment

KINUKONDISYON

LOREN LEGARDA

MALAMANG

MARAMI

PING LACSON

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SI NOLI

SINABI

SOCIAL WEATHER STATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with