^

PSN Opinyon

Lacson dollars malalantad na

SAPOL - Jarius Bondoc -
TALO na si Sen. Panfilo Lacson sa $3,031,262-damage suit sa California. Binasura ng Superior Court ang apela niyang baliktarin ang desisyon ng lower court dahil pinayuhan kuno siya nang mali ng abogadong Sigfried Fortun na di-sakop ng Korte sa isang senador sa Pilipinas. Pinatunayang siniraang-puri niya si Fil-Am businesswoman Blanquita Pelaez, sinaktan ang damdamin, at ginulo ang lehitimong negosyo nito.

Nu’ng PNP chief pa siya nu’ng 2000, hindi binayaran ni Lacson si Pelaez ng $31,262 sa biniling Smith & Wesson handcuffs. Tig-$1 milyon ang parusa sa tatlo pang salang naganap sa California. Ang lusot lang ni Lacson, baka babaan ang multa sa pananakit-damdamin.

Ganunpaman, uutusan na ng Korte ang US banks, na ibunyag ang dollar accounts at iba pang ari-arian ni Lacson.

Sabi ni Lacson nu’ng kainitan ng imbestigasyon sa tagong yaman niya, "Kung may makita kayong dollars ko doon, sa inyo na." E meron ngang natagpuang bank transactions ng asawa niyang Alice Deperio sa California. Ayon kay Rodel Rodis, abogado ni Pelaez, may community property law sa state na ‘yon. Parang conjugal property sa Pilipinas, ang pag-aari ng mister o misis ay pag-aari na rin ng asawa.

Dati nang prinesenta ni Rodis ang ilang ebidensiya ng kakayahan ni Lacson na magbayad ng million-dollar damages. Kasama roon ang limang remittances ni Lacson mula Nov. 13-Dec. 26, 2000 –kainitan ng impeachment ni Erap –sa US bank ni Alice ng $444,299 (P24,436,445 nu’ng panahong ‘yon sa palitang P55:$1). Pinakita rin ni Rodis na may $456,000 (P25,080,000) sa account ni Alice na pinambili ng dalawang Toyota Sequoia SUVs. tig-$50,000 (P2,750,000), nu’ng Dec. 26, 2000.

Meron ding sariling dollar accounts si Lacson sa iba’t ibang banko nu’ng Oct. 1996, kabuuang $285,133 (P7,556,024 sa palitang P26.50:$1). At meron ding Orient Light Freight International Inc. si Alice na may $200,000 (P10 milyon sa palitang P50:$1) nung Apr. 2001.

Teka, ba’t ang dami niyang pera nu’ng pulis pa siya?

vuukle comment

ALICE DEPERIO

BLANQUITA PELAEZ

KORTE

LACSON

ORIENT LIGHT FREIGHT INTERNATIONAL INC

PANFILO LACSON

PELAEZ

PILIPINAS

RODEL RODIS

RODIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with