^

PSN Opinyon

PVAO Adm. Arugay mamulat na sana ang iyong mga mata ngayong 2003

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
HAPPY New Year sa aking mga suki. Muli nating simulan ang panibagong pakikipaglaban sa mga suliraning ipinararating n’yo sa akin. At bilang panimula sa taong ito, ilalaan ko ang lahat ng aking kakayahan na mabigyan ng panahon ang inyong mga reklamo.

Nawa’y sa taong ito maimulat na ni Com. Artemio R. Arugay, Administrator ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) ang kanyang mga mata at maibigay na ang mga benipisyo ng mga kaawa-awang beterano.

Ito palang PVAO ay naging manhid ng mahabang panahon sa pagbibigay ng pangangailangan ng mga beterano, ayon sa mga humingi ng tulong sa akin. Kasi mga suki, naging tanawin na sa tanggapan ng PVAO ang mahabang pila ng mga tila pulubing mga beterano na naghihintay ng awa na maibigay ang kanilang pensiyon.

Karamihan sa kanila ay nagmula sa malalayong probinsiya na nangutang lamang ng pamasahe. At karamihan sa kanila ay nalilipasan na ng gutom sa paghihintay na sila ay asikasuhin.

Kabilang dito si Mrs. Carmen Buendia, biyuda ni Hermogenes Buendia. Noong Agosto 2001, matiyaga siyang pumila sa naturang tanggapan at laki ng kanyang kagalakan nang maaprubahan ang kanyang claim noong July 17, 2002 na may masterlist #02-009-33.

Subalit natapos na ang taon ay wala pa siyang nakukuha ni katiting man lamang. He-he-he, ano ba ’yan Com. Arugay? Marahil makatwiran nga ang mga reklamo ng mga beterano na pabaya ang iyong administrasyon.

Maging itong sina Mr. Brando D. Ramos, founding President/Anchorwoman at Ely Uy Pal, Founding Chairman/Anchorman ng Kaagapay ng Bayan Inc., DWdd-1134 Khz Am Band ng Armed Forces Radio ay personal na nagtungo sa akin upang magpasalamat matapos na kanyang mabasa noong December 25 issue dito sa PSN.

Ayon kina Ramos at Pal maging sila ay hindi maka-ugaga sa mga kaliwa’t kanang reklamo ng mga kaawa-awang beterano sa kanilang programa sa radio at katulad ko patuloy pa rin ang kanilang paglilingkod. Mabuhay kayo mga Sir, pagpalain nawa kayo ng Diyos.

Sa aking mga suki, huwag kayong mag-aatubiling iparating sa akin sa pamamagitan ng sulat, telepono o sa personal man ang inyong mga reklamo o karaingan. Maging masagana sana ang 2003 nating lahat.

vuukle comment

ARMED FORCES RADIO

ARTEMIO R

ARUGAY

BAYAN INC

ELY UY PAL

FOUNDING CHAIRMAN

HERMOGENES BUENDIA

KHZ AM BAND

MR. BRANDO D

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with