^

PSN Opinyon

Matagal nang walang tubig sa BF Resort Village

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
BF Resort Village Homeowner’s Association walang punas, walang ligo. Kamakailan ay lumapit sa akin ang ilang residente ng BF Resort Village upang iparating na sila ay matagal nang walang tubig dahil sa kapabayaan ng mga opisyales ng naturang asosasyon.

Ayon kay Aling Abby, sa nakali-pas na buwan ay halos hindi sila makatulog sa pag-aabang ng tulo ng kanilang mga gripo. Nitong nakaraang linggo ay tuluyan nang naputol ang supply ng kanilang tubig.

Isinangguni nila ito sa pangulo ng asosasyon na si Roel Pulido. Sa halip na sila ay paliwanagan ni Puli-do sinabihan pa sila nang pagalit ‘‘wala akong magagawa, sira ang ating motor.’’

Ganon ba ’yon mga suki? Dapat bang magalit ang isang opisyal kung ang nagrereklamo ay ang kanyang mga ka-lugar? Dapat siguro Sir, ipaayos mo muna ang dapat ayusin diyan sa inyong lugar bago kayo maggalit-galitan.

Para sa kaalaman mo Sir, itong mga lugar na aking babanggitin ay matagal nang walang tubig: Donnaville, Heritage, Italia at Vista Grande. Kung walang kakayahan ang inyong tanggapan na mabigyan ng sapat na supply ng tubig ang inyong lugar dapat lamang na isangguni na ninyo iyan sa Maynilad.

Kaya’t hindi maiwasan ang hinanakit ng inyong ka-lugar ay sa dahilang ang lupit ninyo sa singilan sa serbisyo sa tubig. Nagbabayad naman sila ng minimum na P88.00 kada buwan at ang ilan sa kanila na hindi nakakabayad sa tamang araw ay kaagad ninyong pinuputulan ng supply.

Nakausap din ng aking espiya si Efren Portes ng BF Resort Water Works at tahasan naman nitong sinabi na matagal nang may sira ang motor ng tubig. Nitong nagdaang linggo ay tuluyan na itong nasira. Wala naman silang piyesa na magagamit upang kumpunihin ang motor.

Kawawa naman pala ang mga taga BF? Paano na kaya kung magkaroon ng sunog. Makakaya kayang hipan ni Pulido ang apoy?

Nakatakdang lumapit ang mga taga-BF Resort Homeowner Association sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) upang maghain ng reklamo.

Di ba itong BF Resort ay malapit lang sa Las Piñas City Hall at marahil mas madaling mabigyan ng agarang aksyon ito kapag ipinarating ninyo kay Mayor Vergel ‘‘Nene’’ Aguilar. Kilala ko ’yang si Mayor Aguilar pagdating sa ganyang pangangailangan. Mabilis pa sa kidlat kong umaksyon ’yan.

Ayaw ni Mayor Aguilar na madungisan ang kapaligiran ng kanyang lungsod. Kilala na kasi sa buong Pilipinas at maging sa buong mundo ang kalinisan ng Las Piñas City.

vuukle comment

ALING ABBY

CITY HALL

DAPAT

EFREN PORTES

HOUSING AND LAND USE REGULATORY BOARD

KILALA

LAS PI

MAYOR AGUILAR

MAYOR VERGEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with