^

PSN Opinyon

Ang Transit Ischemic Attack (TIA)

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
KUNG ikaw ay naninigarilyo, mataba, may high blood, diabetes, may mataas na level ng cholesterol, nasa panganib ka na magkaroon ng Transit Ischemic Attack (TIA).

Ano ba ang TIA?

Ang kondisyong ito ay ang pansamantalang pag-decrease ng normal na suplay ng dugo sa bahagi ng utak. Ang ugat na nagsusuplay ng dugo lalo na ang nasa may leeg na tinatawag ding vertebral basilar system ay naba-blocked ng maliliit na material dahil sa atherosclerosis o blood clot.

Hindi lamang ang mga may edad na ang apektado ng TIA maaari ring magkaroon nito ang mga bata lalo na ang mga may sakit sa puso at circulatory disease.

Ang sintomas ng TIA ay ang panlalabo ng paningin sa isang mata, bulol na pananalita, pagkakaroon ng confusion at ang pamamanhid ng mga muscle. Ang mga nabanggit na sintomas ay tumatagal ng dalawang minuto hanggang isa o dalawang oras.

The victim remains conscious throughout and attacks tend to recur and vary in frequency from two or three each day to one or two over several years.

Gaya ng aking nabanggit, ang paninigarilyo, katabaan at mataas na level na cholesterol ay nagdadagdag sa panganib na magkaroon ng TIA. Kaya iwasan ang mga ito.
* * *
Tinatawagan ng Philippine Science High School (PSHS) Alumni Association ang lahat ng mga graduates na dumalo sa gabi ng kasiyahan sa September 7, 2002, ganap na alas-sais ng gabi sa PSHS gymnasium. Ito ay may pamagat na "Paghahandog, Sari-sari, Hapi-hapi, Sama-sama".

Tampok sa kasayahan ang livewire dance show band Hyperbeat. Ang celebrity emcee ay si Ms. Angel Aquino.

Sa iba pang impormasyon, kontakin si Ms. Raquel Dave sa 425-1866.

vuukle comment

ALUMNI ASSOCIATION

ANO

GAYA

HAPI

MS. ANGEL AQUINO

MS. RAQUEL DAVE

PHILIPPINE SCIENCE HIGH SCHOOL

TRANSIT ISCHEMIC ATTACK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with