^

PSN Opinyon

Sec.Lina di mo dapat ipagmalaki ang pagkakahuli kay Ngongo Caluag

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAKATATAWA si Interior Secretary Joey Lina nang buong pagyayabang niyang ibinando sa sambayanan na nakahuli na siya ng isang gambling lord sa katauhan ni Melchor Caluag alias Ngongo sa unang 100 days ng kanyang kampanya laban sa jueteng.

Dapat bang ipagmalaki ang kakarampot na accomplishment na ’yan samantalang alam naman ng publiko na patuloy pa rin ang operasyon ng jueteng kahit saang sulok ng bansa? Ibig bang sabihin niyan walang takot na ang pulisya at local government officials natin sa mga banta ni Lina?

Hindi matawag na accomplishment itong pagkahuli kay Caluag dahil sa tingin ng marami ‘‘hingi huli’’ lang ang nangyari sa kanya. Mukhang may kasunduan na arestuhin itong si Caluag para may dahilan si Lina sa anumang pagbatikos sa opisina niya kung hindi masawata ang jueteng sa Pampanga, ang hometown ni President Gloria Arroyo. At ginamit na nga ni Lina ang depensang ito, di ba mga suki?

Nais kong ipaalala kay Secretary Lina na noong kapanahunan nina Sen. Robert Barbers at Manila Mayor Alfredo Lim sa DILG, dalawang linggo pa lang ang kampanya nila laban sa jueteng eh nagkatupian kaagad ang mga gambling lord. Marami sa kanila ay ipinarada pa sa media. Eh, bakit matapos ang mahabang 100 days eh si Caluag lang ang nabitag ni Lina? At bakit hindi siya ipinarada sa media gaya ng ginagawa ni GMA sa mga kriminal?

At ang nakalulungkot niyan tuloy pa rin ang pa-jueteng ni Caluag sa Pampanga kahit naaresto na siya at nakasuhan pa. Anong sey mo rito Secretary Lina? At paano nakasiguro si Lina na bigtime gambling lord nga si Caluag eh 100 days na hindi pa rin niya ipinalalabas ang listahan niya ng 44 jueteng lords sa bansa? Kasama ba sa listahan niya ang mga pangalan niya Tepang at Danny Sarmiento at Tony Francisco, Jessie Viceo ng Bulacan; Charing Magbuhos ng San Pablo City; Gani Cupcupin ng Caloocan City at Cavite; Boy Guan ng Sorsogon; Alex Tang ng Camarines Norte; Bong Villafuerte ng Camarines Sur; Tom Ranola at Totoy Casag ng Albay; Aging Lisan ng Malabon; Eddie Caro at Julie Baba ng Parañaque City?

Kung nakatatawa si Lina ganoon na rin itong si Supt. Noel Estanislao, ang hepe ng Task Force Jericho. Imbes na harapin ang problema ukol sa malawakang ‘‘tong’’ collection ang kanyang mga tauhan eh nag-finger pointing pa siya at kung sinu-sino ang sinisisi niya. Ang dapat na ginawa ni Estanislao eh tingnan ang roster of personnel nila at rebisahin kung meron silang mga apelyidong Apacible, Mojares, Sabare at Cayabyab at imbestigahan sila at parusahan kung nagkasala.

Sina Apacible, Mojares, Cayabyab at Sabare kasi mga suki ang itinuturong tumatanggap ng P300,000 mula kay Gunan, P700,000 kay Tang, P600,000 kay Villafuerte at P500,000 kina Ranola at Casag kada buwan bilang intelihensiya. Hindi raw niya sasantuhin ang mga taong gumagamit ng kanyang pangalan, ayon ke Estanislao, na lalong nagpahalakhak sa kapwa niya pulis sa Camp Crame.

Ayon sa mga pulis na nakausap ko, mukhang napuruhan si Estanislao kaya’t hayun nagkautal-utal siya sa pagdepensa. Hulihin mo ang mga gambling lords at iparada sa media para hindi ka maakusahan na nasa payroll nila Supt. Estanislao Sir.

vuukle comment

AGING LISAN

ALEX TANG

BONG VILLAFUERTE

BOY GUAN

CALUAG

ESTANISLAO

LINA

NIYA

SECRETARY LINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with