^

PSN Opinyon

May pinag-aralan ka ba?

BAGONG SIBOL - BAGONG SIBOL ni Aries G. Fernandez -
NAPAKA-PRESTISHIYOSO para sa atin ang tawaging may pinag-aralan. Hindi nga ba’t ito ang dahilan kung kaya’t wala tayong tigil sa pagsasaliksik at pagdaragdag ng kaalaman. Bagay na nag-uudyok sa atin upang mag-aral sa kolehiyo, pagkatapos ay kumuha ng doctorate at masters degree sa mga tanyag na unibersidad at maging sa mga paaralang internasyonal? 

Naalala ko pa noong 1994, huminto ako sa pag-aaral dahil sa kahirapan. Dito nagsimulang gumuho ang aking mga pangarap na maging isang taong may masasabi at maipagmamalaking may pinag-aralan. Ngunit mabuti ang Diyos, biniyayaan Niya ako ng pagkakataon na magkaroon ng iba’t ibang hanapbuhay. Sa iba’t ibang hanapbuhay na dito ko nakilala ang mga taong nagyayabang sa kanilang pinag-aralan.  

Nandiyan si Manager na kung magmando sa kanyang mga crew ay parang alipin; Nariyan din ang mga accountants na halos paglumuhuran namin para lang makuha ang suweldong aming pinagpaguran; Ang admin manager (na graduate raw sa Harvard) na kung pagtrabahuhin ang mga factory worker ay tila mga robot na walang kapaguran at hindi nagugutom. At marami pang iba pa.  

Naitanong ko tuloy sa aking sarili, eto ba ‘yung mga may pinag-aralan? Biglang nag-flashback sa isip ko ang tinuran noon ng aking guidance counselor noong haiskul pa ako. Sabi niya "Mayroong mga nakapag-aral na tila walang pinag-aralan, habang meron namang hindi nakapag-aral na kung umasal ay parang may pinag-aralan." Aha! Kaya pala!

Huwag na tayong lumayo pa. Tingnan na lang natin itong ating mga pulitikong balimbing at sakim. Labis-labis kung ipagyabang ang kanilang karunungan at pinag-aralan pero kitang-kita ang kasakiman at pagmamahal sa sariling interes lamang. Tama, kung matututo lang tayong isaalang-alang ang kapakanan ng ating kapwa ay higit pa tayo sa isang taong nakapag-aral. Sa mga simpleng pamamaraan, tulad ng pagsasagawa ng ating mga kinagisnang magandang asal ay masasabi nating tayo’y mga tunay na taong MAY PINAG-ARALAN!

vuukle comment

ARALAN

BAGAY

BIGLANG

DITO

DIYOS

HUWAG

KAYA

KUNG

PINAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with