Lagot kayo!

‘‘CONGRATS,’’ galing sa mga kuwago ng ORA MISMO sa bagong PNP bossing Gen. Hermogenes ‘‘Jun’’ Ebdane, sa tiwalang ibinigay sa kanya ni Prez Gloria Macapagal-Arroyo.

Naniniwala ang mga kuwago ng ORA MISMO na kayang-kayang gampanan ni Jun ang kanyang bagong tungkulin bilang bossing ng PNP dahil sa kanyang malawak na karanasan bilang pulis at ganda ng track record.

Pero Jun, don’t forget ang bilin ni Prez GMA, one year lang ang kailangan para masugpo ang kidnapping sa Philippines.

Tiwala rin ang mga kuwago ng ORA MISMO na kayang ibalik ni Jun ang magandang imahe ng kapulisan sa sambayanan lalo’t makikipagtulungan sa kanya ang mga intrigadores na pulis.

Ingatan mo rin Jun ang mga taong may sariling agenda para sirain ang kredibilidad mo? Sampolan mo, Sir!

Si Davao City Mayor Rudy Duterte, ang bagong bossing ng special task force na papalit sa binuwag na National Anti-Kidnapping Task Force (NAFTAK). Lagot kayo!

Maganda ang chemistry ng dalawang bagong opisyal na ito porke ubos na ang takot nito kaya hindi na kailangan pang takutin sila.

Ang pamumulitika sa PNP ay dapat na ring tapusin at harapin ng kapulisan ang kanilang trabaho.

‘‘Parang musika ang dalawang bagong hirang na opisyal maganda ang blending,’’ sabi ng kuwagong maninisip ng tahong.

‘‘Palagay ko magdadalawang isip ang mga kriminal sa pagpasok ng dalawa sa bago nilang assignments?’’

‘‘Panahon na rin siguro para tapusin na ang pamumulitika sa loob ng kapulisan,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Ang imahe ng PNP ang dapat unahin porke nahihilo na ang bayan?’’

‘‘Diyan ka korek, kamote.’’

Show comments