^

PSN Opinyon

Paring matulis, pati dalagita ay binuntis

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang walang patawad ang isang paring Katoliko at pinatos ang isang dalagita?

At alam n’yo rin bang nabuntis ni Father ang nasabing dalagita?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay AFP Chief of Staff Gen. Roy Cimatu, Press Usec. Ching Suva, Lilia Tolentino, Cely Ortega Bueno, Thelma Ragay, Engr. Thadeus Conti, Nathaniel Benitez at Rosa Claros ng Davao City.
* * *
Alam n’yo bang sinira ng isang pari ang kinabukasan ng isang dalagita matapos niya itong buntisin?

Ang tindi naman ng paring ito, menor de edad pa ang dinale ng walanghiya.

Ang pari at ang magandang dalagita ay unang nagkita sa isang Youth Congress. Inorganisa ng nasabing pari ang Youth Congress sa kanilang probinsiya.

Ayon sa aking bubuwit, noong una ay pinapalapit ni Father ang kanyang kalooban sa dalagita sa pamamagitan ng aral ng Diyos.

Dahil magaling mambola este mangaral ang nasabing pari, napalapit ang dalagita sa kanya. Sinamantala naman ng pari hanggang sa bumagsak ang Bataan.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang unang session ng carnal knowledge ng pari at dalagita ay nasundan pa hanggang sa naulit-ulit. Makalipas ang dalawang buwan ay natuklasang buntis na ang dalagita. Ipinagtapat ng dalagita kay Father ang nangyari subalit ayaw naman nitong panagutan.

Upang makaiwas sa kahihiyan ang pamilya ng dalagita, siya ay itinago sa Cebu City at sinabing doon nag-aaral. Pero ang katotohanan, doon itinago ang pagbubuntis ng dalagita hanggang sa magsilang ito ng malusog na baby boy.

Hayop ka Father, kamukha mo pa ’yung baby!
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang lubos pang ikinalulungkot ng dalagita at kanyang pamilya ay hindi man lamang nagbibigay ng sustento ang pari.

Father, baka naman puwede mong bawasan ang koleksiyon sa simbahan at bigyan mo ng panggatas ang iyong anak.

Ayon pa sa aking bubuwit, ang isa pang nakakalungkot, matapos mabuntis ni Father ang dalagita, nakikipag-date na naman ito sa iba pang mga magaganda at batambatang chiching sa kanilang probinsiya.

Hayop ka Father!

Ayon sa aking bubuwit, ang dalagita na nabuntis ni Father at hindi pa binibigyan ng sustento ang naasembol nitong baby ay si…

Itago na lang natin siya sa pangalang Antonette.

At ang paring matulis na nakabuntis kay Antonette ay si…

Siya ay parating naka-blue jeans at malakas manigarilyo ng Marlboro. Siya ay Chairman pa ng NAMFREL sa kanilang probinsiya.

Siya ay walang iba kundi si Mnsgr. P. as in Pakasta ng Surigao del Norte.

ANTONETTE

AYON

CEBU CITY

CELY ORTEGA BUENO

CHIEF OF STAFF GEN

DALAGITA

FATHER

SIYA

YOUTH CONGRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with