^

PSN Opinyon

Obstructive sleep apnea

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ANG "apnea" ay halaw sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay ang pagtigil ng paghinga. Ito’y nagaganap kapag ang tao ay natutulog. Maraming kaso na ito ang nagiging sanhi ng kamatayan gaya ng nangyari sa aktor na si Rico Yan at iba pang kalalakihang Asyano.

Ayon kay Dr. Gil Vicente, isang otalryngologist (eksperto sa medical and surgical treatment ng tenga, ilong, lalamunan, ulo at leeg), sa paghihilik ay tumitigil ang paghinga na higit sa 10 segundo at tumataas ang carbon dioxide na nakakaapekto sa buong katawan kaya hindi na magising.

Sinabi niya na ang obstructive sleep apnea ay karaniwan sa mga taong matataba, may malalaking leeg, retracted o mas malalim na panga at may dila na mas malapad sa likuran. Puwede rin itong maranasan ng mga taong payat na may malaking tonsils at may adenoids. Problema rin ang sobrang pag-inom ng alak. Kapag ang lasing ay natutulog ay masyadong relax at ang muscles at ang acid deflux ay puwedeng umakyat at pumunta sa baga at mamaga ang daanan ng hangin. Pag tumaas ang carbon dioxide ay puwedeng hindi na magising.

Ipinapayo ni Dr. Vicente sa mga humihilik na huwag itong ipagwalambahala at dapat agad ikunsulta sa doktor.

Si Dr. Vicente ang chairman ng Department of Otalryngology, Head and Neck Surgery ng Jose R. Reyes Memorial Medical Center at St. Luke’s Medical Center. Nagpakadalubhasa siya sa US at Germany.

vuukle comment

ASYANO

DEPARTMENT OF OTALRYNGOLOGY

DR. GIL VICENTE

DR. VICENTE

HEAD AND NECK SURGERY

JOSE R

MEDICAL CENTER

REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

RICO YAN

ST. LUKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with