Naririnig ka ba ng iyong kausap?

Naranasan n’yo ba na sa pag-iisa habang nakahiga at nakatitig sa kisame ay inyong naiisip kung tama o mali ang sinabi, narinig at ginawa? Naitatanong n’yo rin ba kung ano ang pakikipag-ugnayan sa mga kasama sa bahay, opisina at mga kaibigan? Nag-aalala ba kayo na mas marami kayong kaaway kaysa kaibigan? Naiisip n’yo ba kung paano haharapin ang gawain at problema kinabukasan?

Bawat isa ay may kapangyarihan para ang buhay ay maging makahulugan. Kailangan ang komunikasyon at tamang pakikipag-ugnayan. Subali’t mapupuna na may mga nakakausap tayo na hindi natin masiguro kung naiintindihan tayo. May mga bata, may mga nasa hustong gulang at matatanda na kapag kausap natin ay madalas na tumugon ng ‘‘ha?’’ at ‘‘ano?’’ na nagiging dahilan para ulitin natin ang sinasabi at tayo ay nakukulitan at naiinis tuloy sa kanila. Lingid sa ating kaalaman, malamang na may kapansanan sila sa pandinig.

Ayon kay Dr. Eduard Go, isang espesyalista sa pandinig, matagal matuto ang bata, nahihirapang makisalamuha ang nasa tamang gulang at kadalasan ang mga matatanda ay naiiwang mag-isa at lumuluha dahil sa bad hearing. Kung ang mga bulag at mga malabo ang paningin ay kailangan ng salamin sa mata ang mga taong tinagurian ni Dr. Go na hindi mga bingi kundi may kapansanan sa pandinig ay nangangailangan ng tamang hearing instrument para sila maging kapaki-pakinabang.

Lahat ng klaseng instrumento ay nasa Hi-Tech Hearing Center in Dr. Go. Matatawagan siya sa telepono bilang 867-1229 to 30, 867-1338 at 723-1159 to 60.

Show comments