Red Lions iilag sa sibat ng Knights
MANILA, Philippines — Sisikapin ng defending champion San Beda University na ikahon ang pangalawang sunod na panalo sa pagharap nila sa Letran sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na lalaruin sa Playtime FilOil Center sa San Juan ngayong araw.
Magsisimula ang bakbakan ng San Beda at Letran sa alas-5 ng hapon pagkatapos ng bangayan sa pagitan ng San Sebastian College-Recoletos at College of Saint Benilde sa alas-3 ng hapon.
Tangan ang 3-2 karta at kasalukuyang nakaupo sa third spot ng Group A sa team standings, muling kakapitan ng Red Lions sa opensa si Sean Torculas para igupo ang mabalasik din na Knights.
Impresibo ang panalo ng San Beda sa huli nilang laro kung saan ay nilapa nila ng todo ang San Sebastian College, 85-55 noong Biyernes.
Tumikada si Torculas ng 18 points at anim na rebounds para sa panalo ng SBU kaya asahang siya pa rin ang magiging pangunahing armas sa opensa kontra Letran.
Nakalasap ang Knights ng unang talo matapos silang payukuin ng league leader sa Group B na Arellano University, 82-81 noong Setyembre 28.
- Latest
















