^

PM Sports

Eggesvik muling aasahan ng Filipinas kontra Norway

Pang-masa

AUCKLAND — Isinilang siya sa Norway, ngunit nasa Pilipinas pa rin ang puso ni midfielder Sara Eggesvik sa pagsagupa nila sa mga Gresshoppene (Grasshoppers) sa Linggo sa Group A ng 2023 FIFA Women’s World Cup dito sa Eden Park.

“We have to put that aside when the game starts. I am playing for the Philippines. I will do my best to get a win and get points,” wika ni Eggesvik matapos ang 1-0 panalo ng World No. 46 Filipinas sa World No. 26 New Zealand sa Sky Stadium sa Wellington noong Martes.

Kung mananalo ang mga Pinay booters sa mga Norwegians ay pasok sila sa knockout stage.

Ang ama ni Eggesvik ay isang Norwegian habang ang kanyang ina ay tubong Davao.

Bukod kay Australian coach Alen Stajcic ay hinangaan din ng mga Pinoy fans ang husay ni Eg­gesvik sa 2022 10th AFF Wo­men’s Championship.

Isa si Eggesvik sa mga naging susi ng Filipinas para pagreynahan ang nasabing major international na idinaos sa Rizal Memorial Stadium sa Manila.

Si Eggesvik ang nag-set up kay striker Sarina Bolden para sa nagpanalong header nito sa 24th minute ng first half kontra sa New Zealand.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with