^

PM Sports

Amaro naka-tanso pa sa ASG

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nadagdagan na naman ng medalya ang Team Philippines matapos umani ng tanso si Albert Jose Amaro II sa swimming competitions ng 13th Asean Schools Games sa Da Nang, Vietnam.

Nagrehistro si Amaro — pambato ng San Beda University — ng 25.45 segundo sapat para masiguro ang podium finish sa boys’ 50m butterfly.

Nanguna sa naturang event si Master Ganesha ng Indonesia na nagsumite g 24.81 segundo habang puma­ngalawa naman ang kababayan nitong si Yusuf Jason Donovan na may nailistang 24.84 segundo.

Target pa ni Amaro na makahirit ng medalya dahil pumasok ito sa finals ng 50m freestyle.

Ito ang ikalawang medalya ng swimming team sa Asean Schools Games.

Una nang napasakamay ni World Juniors Championships veteran Micaela Jasmine Mojdeh ng Brent International School-Manila ang tansong medalya  sa girls’ 100m butterfly.

Susubukan pa ni Mojdeh na makapagdagdag ng medalya matapos pumasok sa finals ng 200m butterfly event.

“The field is really tough but I’ll do my best to win medal for our country, for our teammates and for our pa­rents. Hoping for the best,” ani Mojdeh na nakatakdang magdiwang ng kanyang ika-18 kaara­wan ngayon.

Sa premilinary round, nakakuha si Mojdeh ng dalawang minuto at 21.75 segundo upang umabante sa eight-swimmer finals na idaraos Huwebes ng gabi.

Kasama ni Mojdeh sa finals si Kyla Louise Bulaga na may qualifying time na 2:27.79.

Matinding kalaban nina Mojdeh at Bulaga si Michelle Surjadi Feng ng Indonesia na may 2:18.45 na nailista sa preliminaries.

 

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with