^

Metro

15-anyos dalagita ginulpi, pinalo ng baril ng lady cop!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
15-anyos dalagita ginulpi, pinalo ng baril ng lady cop!
Nahaharap sa kasong Slight Physical Injury sa ilalim ng RA7610 ang inarestong 48-anyos na si P/Chief Master Sergeant Marinet Flores Ramos kasama ang isang menor-de-edad, at maging ang pinag­hahanap na si Gerald Ramos, 18, ng No. 77 Palawan St. Brgy. Bago Bantay, QC.
STAR/ File

Naaktuhang kasama ang ka-live-in

MANILA, Philippines — Arestado ang isang tinaguriang “Aleng Pulis” o policewoman at kaanak nito habang nakatakas ang isa pa matapos nilang pagtulungang bugbugin at paluin ng baril sa ulo ang isang 15-anyos na dalagita na umano’y girlfriend ng kalive in ng pulis sa ­Quezon City.

Nahaharap sa kasong Slight Physical Injury sa ilalim ng RA7610 ang inarestong 48-anyos na si P/Chief Master Sergeant Marinet Flores Ramos kasama ang isang menor-de-edad, at maging ang pinag­hahanap na si Gerald Ramos, 18, ng No. 77 Palawan St. Brgy. Bago Bantay, QC.

Batay sa imbestigasyon ni Pat. Ara Grace I Merino ng Quezon City Police District- Project 6 Police Station15, nangyari ang insidente dakong alas-4:30 ng madaling araw sa loob ng Congressional Apartelle, sa Project 8, Quezon City.

Lumilitaw na paalis na ng apartelle ang biktima kasama ang live-in partner ng nasabing policewoman nang mahuli nito ang dalawa sa akto,

Dahil dito, pinagsasampal sa mukha, sinipa sa tiyan ng pulis ang biktima.

Hindi pa nakuntento, sinakay pa ng pulis ang biktima sa kanyang kotse at sinundo ang suspek na si Ramos kung saan pinalo naman umano ng huli ang biktima ng baril sa ulo.

Dinala ng mga suspek sa No. 77 Palawan St. Brgy. Bago Bantay, QC ang dalagita at doon muling pinagtulungang bugbugin hanggang sa mawalan ng malay.

Sa kabila ng mga bugbog sa katawan at ulo, nagawa ng biktima na makatakas at makahingi ng tulong sa barangay.

Ayon sa pulisya, posible ring managot ang ka-live in ng Aleng Pulis dahil sa pagi­ging menor-de-edad ng biktima.

vuukle comment

ARESTADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with