^

Metro

Kambal na paslit, patay sa sunog sa Tondo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Kambal na paslit, patay sa sunog sa Tondo
Hindi kaagad isinapubliko ang pagkakakilanlan ng mga biktima na 5-taong gulang lamang, na kapwa residente ng 2334 Yangco St., kanto ng Cavite St. sa Gagalangin, Tondo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Kapwa patay ang kambal na batang babae matapos na makulong sa silid nang masunog ang kanilang tahanan sa Tondo, Manila kahapon ng hapon.

Hindi kaagad isinapubliko ang pagkakakilanlan ng mga biktima na 5-taong gulang lamang, na kapwa residente ng 2334 Yangco St., kanto ng Cavite St. sa Gagalangin, Tondo.

Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nabatid na dakong alas-2:21 ng hapon nang maganap ang sunog sa isang residential area sa naturang lugar.

Naideklara naman itong fireout dakong alas-3:09 ng hapon.

Nabatid na yaya lamang ang kasama ng mga bata nang maganap ang sunog dahil nasa trabaho ang kanilang ina.

Labis naman ang pag­hihinagpis ng yaya dahil sa naganap sa kanyang mga alaga.

Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa nailalabas ng kanilang silid ang bangkay ng mga bata.

Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang pinagmulan ng sunog, gayundin ang halaga ng mga ari-ariang tinupok nito.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with