^

Metro

19-anyos stude nag-amok: 2 pinagsasaksak

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 19-anyos na estudyante ang dinakip matapos na mag-amok at pagsasaksakin ang dalawang nakaalitan nito sa Novaliches, Quezon City nitong Linggo ng madaling araw.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si Jay-mark Caliguiran, binata, at nakatira sa No. 28 Nenita Interior, RP Brgy. Gulod, Novaliches, QC.

Ginagamot naman sa Novaliches District Hospital ang sugatang si Voborge Cabrera Magpayo, 21, may live-in partner, at nakatira sa Lower Baluyot, Brgy. Sauyo, Novaliches habang sa Chinese Ge­neral Hospital isinugod si Eugene Navarro, 23, may live-in partner, ser­vice crew, ng No. 5 Old Paliguan, Brgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City.

Sa report ng Novaliches Police Station 4 ng Quezon City Police District (QCPD), bandang ala-1:30 ng mada­ling araw, nang maganap ang insidente sa Seminary Road kanto ng Quirino Highway, Brgy. Bagbag, Novaliches.

Sa imbestigasyon ni PStaff Sgt Germito Loria Jr., nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga biktima at suspek sa ‘di malamang dahilan.

Sa gitna ng pagtatalo, dito na nagwala ang suspek at biglang bumunot ng kutsilyo saka inunda­yan ng sunud-sunod na saksak ang mga biktima.

Tatakas pa sana ang suspek pero agad siyang naaresto nina PCpl. Aldwin Nofies at Pat Nikko Prila na mabilis na nagresponde sa lugar. Nakumpiska sa suspek ang kutsilyong ginamit sa pananaksak.

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with