^

Metro

Chinese dinukot sa casino, nasagip ng PNP-AKG

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 30-anyos na Chinese national na dinukot ng kanyang mga kapwa Chinese ang nailigtas ng PNP-Anti Kidnapping Group (AKG) nitong Linggo sa Pasay City.

Sa ulat ni AKG director Police Brig. Cosme Abrenica, dakong 9:30 ng gabi nang masagip ang biktima sa Pasay City matapos dukutin ng mga suspek Linggo ng umaga rin ng nasabing petsa sa loob ng isang casino sa nasabing lungsod. Ikinulong ang biktima at nanghingi ng ransom ang mga suspek.

Humingi naman ng tulong ang kaibigan ng biktima sa pamunuan ng Southern Police District (SPD) na siyang nag-refer ng kaso sa AKG dahilan upang isagawa ang agarang rescue operation.

Natunton ng pinagsanib na puwersa ng AKG at SPD ang biktima na pinipigil sa isang hotel sa Pasay City sanhi upang maaresto ang dalawang abductor at masagip ang biktima.

vuukle comment

CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with