^

Metro

Sanggol, binuhat sa leeg ng utol, tigok!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Sanggol, binuhat sa leeg ng utol, tigok!
Image shows a feet of a newborn baby.
Image by Rainer Maiores from Pixabay

MANILA, Philippines — Isang bagong silang na sanggol ang natagpuang patay habang katabi ang kanyang naglalarong 3-taong gulang na ate sa Tondo, Manila, kamakalawa.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan ng pagkamatay ng sanggol na 20-araw gulang pa lang na si Einjel Ewwie Manzon, residente ng 1301 Flores Bugallon St., Tondo.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, alas-11:30 ng umaga nang madiskubreng wala nang buhay ang sanggol sa tabi ng kanyang naglalarong kapatid.

Ayon kay Victoria, kaanak ng biktima, kadarating lang niya ng bahay at nakita niya na natutulog ang mga magulang ng bata sa ikalawang palapag ng bahay. Pag-akyat umano niya sa ikatlong palapag, nakita niya ang beybi na nakadapa, habang katabi ang kanyang ate na abala sa paglalaro.

Nilapitan umano ni Victoria ang sanggol ngunit laking gulat niya nang mapunang hindi na kumikilos. Kaagad umano niyang pinuntahan ang mga magulang ng biktima at mabilis na isinugod ang sanggol sa Ospital ng Tondo ngunit idineklara nang patay ang beybi ng mga doktor.

Ayon pa kay Victoria, limang araw pa lang ang nakalilipas nang makita nila na buhat ng kanyang kapatid ang biktima sa leeg, at iniakyat ito sa ikatlong palapag ng bahay.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang sanhi ng pagkamatay ng sanggol.

vuukle comment

SANGGOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with